May 23, 2025
Shira Tweg on being part of Maricel Soriano’s NET25 sitcom
Latest Articles

Shira Tweg on being part of Maricel Soriano’s NET25 sitcom

Jan 30, 2024

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng talented na newbie actress na si Shira Tweg mula nang naging bahagi siya ng Star Center ng NET25.

Ano ang changes sa kanyang career sa pagiging parte niya ng Star Center?

Tugon ni Shira, “We now have the television series Road to Starkada, it narrates our journey towards becoming a Starkada.

“You will learn more about each Starkada through our tales and difficulties. Now available exclusively on Net25 from Monday through Friday from 5:30 to 6 p.m.”

Bago napabilang sa Star Center, nakilala ang magandang bagets bilang singer at aktres.   

Unang napansin si Shira sa RK Bagatsing movie na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), bilang batang Sharon Cuneta. Ang first single naman ni Shira ay ang Pag-ibig, under Star Music.

Nagpahayag ng pasasalamat si Shira sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging bahagi ng bagong sitcom ng NET25 titled 3-in-1 na tinatampukan nina Ms. Maricel Soriano, Eric Quizon, Epy Quizon, Vandolph Quizon, Boy2 Quizon, at marami pang iba.

Aniya, “I was quite grateful for the chance to showcase my talent again, and I felt incredibly fortunate and content.”

Ang 3-in-1 ay ukol sa magkakapatid na hindi magkasundo, pero kailangan nilang magsama-sama sa isang bahay para tuparin ang mga huling habilin ng yumao nilang ama.

Mula sa pamamahala nina Eric at Epy, ang naturang sitcom ay napapanood tuwing Linggo, alas otso ng gabi, sa NET25.

Paano niya ide-describe ang kanilang sitcom?

“It’s a really enjoyable sitcom with a unique plot that sets it apart from other sitcoms. Kaya kaabang-abang siyang panoorin po talaga.”

Nabanggit din ni Shira ang role niya rito.

Wika niya, “Dito po sa 3 in 1, ako po si Carmel ang anak po ni Rina which is si ate Donna Cariaga at si Carmel po ang love interest po ni Ross dito which is si Vito Quizon.”

May ibinigay bang payo sa kanya ang sinomang kasamahan niya sa sitcom na ito?

“That enjoying your work is important, and that in order to truly enjoy what you are doing, you must love your craft. You should also never be afraid to ask questions or seek assistance with anything related to your job or role,” nakangiting sambit pa ni Shira.

Leave a comment