May 22, 2025
Shira Tweg talks about new movie ‘Believe It or Not?’
Latest Articles

Shira Tweg talks about new movie ‘Believe It or Not?’

Oct 28, 2024

Naniniwala ang teen actress na si Shira Tweg na mahalagang paksa ang bullying at mabuting maging aware ang lahat sa bagay na ito.

Aniya, “Ang movie is about bullying, isa siyang advocacy film sa mga students, especially na ipalalabas din po itong movie namin sa mga school.

“Ang message ng movie is to stop bullying, lalo na maraming nakakaranas nito these days. It’s just a message talaga to like lessen it down or stop it na parang nagtatanong, ‘Why ka nambu-bully?'”

Si Shira ay isa sa tampok sa advocacy film na Believe It or Not?. Kasama niya sa pelikulang pinamahalaan ni Direk Errol Ropero sina Bianca Tan, Potchi Angeles, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel, at iba pa.

Kuwento pa ni Shira, “Ako po rito ‘yung isa sa mga students, ako po ‘yung parang love interest ni Potchi.’

Nag-aaral sa La Salle, Greenhills si Shira at sinabi niyang nadi-discuss ang mga bagay na ito talaga sa kanilang school.

“Since Grade 12 na po ako, eversince naman noong elementary, nagkakaroon ng lessons… may subject about that, na iyon nga, na masamang i-bully iyong kapwa mo or like, have any violence with them. Na dapat, just spread love and peace,” nakangiting sambit pa ni Shira.

Although nabanggit din ng magandang bagets na aktres na hindi siya nakaranas na ma-bully.

“Never po ako na-bully. Bullying is an important topic. It’s very serious, I had a friend na na-diagnose with depression dahil sa bullying. As her friend, I wanted to be there for her, kasi super-hirap talaga. Bullying is not a joke. Kaya itong aming movie, mapapalabas ito sa schools at makakatulong sa students,” wika ni Shira.

Kung may nakita siyang friends o relative na binu-bully, ano ang gagawin niya?

“Hindi naman po sa matapang, pero ako kasi, I like standing up for the people I love. So, for sure, ipaglalaban ko iyong person na iyon, kasi first of all, mali ang ginagawa nang nambu-bully.

“So, hindi ko naman siguro aawayin or what, siguro I’ll just just talk to that person and ask, ‘Why are you doing this, what is your reasons?’ So, iyon po, ganoon po.”

Nalaman din namin kay Shira na malapit nang i-release ang second single niya, pero hindi pa raw puwedeng i-reveal ang detalye nito.

Anyway, ang Believe It or Not? ay hatid ng A and Q Productions Films and AFA Entertainment and Prime Stream, Inc., na ang executive producer ay si Atty. Aldwin F. Alegre.

Abangan sa pelikula ang special participation at performance ng kilalang P-Pop group na BILIB, na kinanta rito ang single nilang ‘Say Watcha Wanna Say.’

Leave a comment