
Short hair, don’t care for Jane Oineza; Joj and Jai blessed with projects
New look si Jane Oineza nang humarap siya sa press para sa presscon ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na pinagbibidahan ni JM de Guzman.
Maiksi na kasi ang kanyang buhok. Sadyang pinaputol niya ito para sa role niya bilang main contrabida sa PHR.
Ayon kay Jane, nakakapanibago raw na maikli na ang buhok niya, pero she learns to love it. At wala raw problema sa kanya kung nag-goodbye man siya sa kanyang long hair basta sa ikagaganda ng kanyang career.
“Sa akin okay lang, up naman ako for the challenge. At saka hindi rin naman ako ganoon ka-attach sa buhok ko. At saka siyempre isang malaking blessing ito. Ano ba naman ‘yung magche-change lang ng look. And ang saya rin ng pakiramdam na kaya nagpagupit kasi para sa project,” sabi ni Jane.
Ang Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi ay mapapanood na simula sa Lunes, April 30 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN 2.
***************
Natutuwa kami para sa magkapatid na Joj and Jai Agpangan dahil lagi silang may project sa ABS-CBN 2.
Hindi sila pinababayaan ng kanilang mother studio.
Sa ngayon nga ay bahagi si Joj ng action fantasy series na Bagani, na gumaganap bilang si Lala na may crush kay Dumakulem (Makisig Morales).
At si Jai naman ay kasama sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, bilang kaibigan ni Barbie Imperial.
O di ba, parehong may work na naman ang magkapatid?
In fairness naman kasi sa kanila, kaya paborito silang bigyan ng show ng Kapamilya network ay dahil hindi sila pasaway at masarap silang katrabaho.