June 9, 2025
“Showbiz isn’t for ‘balat sibuyas’ [overly sensitive] individuals” –Rossana Roces
Home Page Slider Latest Articles

“Showbiz isn’t for ‘balat sibuyas’ [overly sensitive] individuals” –Rossana Roces

Jan 5, 2016

By PSR News Bureau

edited 123Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina ukol sa naging reklamo sa kanya ng dalawang naging talents niya noon sa seryeng ‘Forevermore.” Matatandaang nagreklamo sa social media at sa pamunuan ng ABS-CBN ang dalawang talents matapos umanong makatanggap ng pagmumura at pagpapahiya mula sa naturang direktor. Mula nang pumutok ang nasabing balita, marami na ang parang nakisawsaw sa isyu. Nagbigay na ng pahayag ang ibang haligi na ng industriya gaya na lang ni Direk Peque Gallaga na kinatigan ang talents. Ang latest nga na nagpahayag ng sariling pananaw sa isyu ay si Rossana Roces.

Sabi ng dating sexy star, “ Ang showbiz ay hindi para sa mga balat-sibuyas. Kami man ay nakatikim din ng katakut-takot na panlalait at pagmumura bago kami talagang natuto at naging magaling. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa mga naging malalaswa at nakaririmarim na instruksiyon ni Mauro Gia Samonte [dating direktor], ang malulutong na pagmumura ni Chito Rono at kahindik-hindik na presensiya ni Armida Seguion Reyna?”

rossana“Lahat ng iyan ay nakatulong para mahubog kung anong klaseng artista ako ngayon. Napakahirap maging direktor. Sinubukan kong minsan katuwang ni Direk Buboy Neal Tan at di ko na sinubukang muli. Grabe ang pressure, stress at pagod. Di ko kinaya. May mga bagay pala talagang ng sariling pag-iisip at lakas, pero marami ring hindi. Di ko na muling binalikan ang pangarap na makapagdirek.”

Sabi pa ng dating sexy star, “Naging emosyonal masyado ang babaeng nagrereklamo kay Direk Cathy Garcia-Molina. Simple lang iyan, kung hindi mo naman pala kaya ang mundo ng pelikula, eh di sana di mo pinasok! Namura ka lang kailangan pa bang hiyain ng todo ang taong mas pagod, mas puyat at di hamak na mas maraming iniisip kesa sayo?”

rossana 1“Mag-call center na lang kayo ng jowa mo kung gusto mo. Kami meron kaming batas na tahimik na pinatutupad sa showbiz. Me kanya kanya kaming topak. Artista ka man o direktor. Irerespeto ko ang topak mo ngayon. Pero pag ako tinopak irespeto mo din! Ganyan kasimple pero magandang obra ang kinakalabasan niyan!”

“May mga artistang nabato ng lighter…tripod at galon ng mineral water…tahimik lang sila kasi di nila kailangan magsalita pa…mga beterano na sila!”

Kung tutuusin may punto si Rossana Roces sa kanyang mga sinabi rito. May ilan ngang nagtataka kung bakit matagal nang tapos ang “Forevermore” kung bakit ngayon lang nag-iingay ang dalawang talents na ito. Anuman ang motibo nila rito, hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na sana’y maging maayos na ang lahat sa pagitan ng talents at ni Direk Cathy Garcia-Molina rin mismo.

Leave a comment

Leave a Reply