May 26, 2025
Singer Dessa needs type A+ blood donor
Latest Articles Music

Singer Dessa needs type A+ blood donor

May 8, 2015

by PSR News Bureau

680b27a8-s Sumikat bilang isang singer noong dekada ‘90s si Maria Destreza Alivio Salazar na mas kilala natin sa pangalang Dessa. Siya ang tinaguriang ‘Front Act Queen’ noong mga panahon na iyon dahil madalas siyang kunin bilang front act sa concerts ng foreign artists ditto sa Pilipinas gaya ng bandang Color Me Badd, Bryan Adams, David Benoit, Lisa Stanfield, Peabo Bryson at Patti Austin. Nakilala si Dessa dahil sa galing niyang bumirit ng matataas na tono at kinaya nitong makipagsabayan sa mga tulad ni Regine Velasquez, Dulce at iba pa. Nadiskubre ang kanyang talent sa pag-awit ni Mitch Valdez noong siya ay 14 years old lang. Agad siyang nakilala matapos mapanalunan ang titulong ‘Voice of Asia’ noong taong 1993. Naging big hit din ang kanyang awiting ‘Paano’ mula sa kanyang debut album under Vicor Records titled Dessa: Isang Nagmamahal.

Naiuwi niya ang grand prize sa 1993 Federation Internationale Def Organisation de Festival (FIDOF) sa Russia; 1993 Voice of Asia; Saga Yoshinogari Festa’98 Asia Music Festival sa Saga, Japan; at 1999 Asia Song Festival sa Malaysia.

Matagal nang nag-migrate sina Dessa sa Amerika. Forty-one years old na ngayon si Dessa at married with two children. Sampung taon na silang naka-base ng kanyang pamilya sa U.S. Doon ay itinuloy ni Desssa ang kanyang pag-awit sa sarili nitong banda na kung tawagin ay ‘San Fernando Band’ at madalas silang mag-perform sa hotels, bars at casinos sa Vegas Strip.

Sobrang nakaka-miss ang Pilipinas,” bungad ni Dessa ng makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR). “Gustong-gusto kong magtanghal tuwing magkakaroon ako ng chance na umuwi ng Pinas. Yung warmth na ibinibigay ng Filipino audience, hindi kayang mapantayan ng ibang lahi.”

Noong February pa raw nandito sa Pilipinas si Dessa. Every two years ay nakagawian na ni Dessa na umuwi sa bansa. Pero aniya kakaiba ang uwi niyang ito dahil marami siyang dahilan upang umuwi.

Una ay first death anniversary ng tatay ko last February, tapos ise-celebrate din namin ang birthday niya on May 23. Tapos may mga scheduled shows ako sa 2702 Lobby Lounge of Midas Hotel. I will be performing every Mondays of May. May shows din ako sa Zirkoh sa Tomas Morato on May 28. Then, sa Music Hall naman sa Metrowalk in Pasig City on May 29. Babalik na kasi ako sa U.S. on May 30.”

Sa kabila ng iniindang sakit na anemia, tuloy pa rin ang buhay para kay Dessa. Sa Pilipinas nagpapa-blood transfusion si Dessa para sa kanyang sakit.
Taliwas din sa sinasabi ng ilan, walang leukemia ang singer kung hindi anemia lamang. Nilinaw nito na mababa lang ang kanyang RBCs (red blood cells).
Matagal ko ng sakit ito. Bata pa lang ako mayroon na ako nito. Naman ko daw sa tatay ko. Tatlong taon na mula nung magsimula akong magpa-blood transfusion dito sa Manila. Pero sa last checkup ko sa U.S., bumagsak na naman yung RBC ko, so kailangan ulit akong salinan (ng dugo).

“Mahirap daw kasing hanapin ang blood type ni Dessa, which is A+.

“Naghahanap kami ng blood donors. Lagi naman kami nagtse-check sa Philippine Red Cross. The last time we checked, walang available.

“Yung dalawang shows na gagawin ko sa Zirkoh at Music Hall, magre-request kami sa mga may blood type na A+ na mag-donate ng kanilang dugo para sa transfusion ko. Kasi pagbalik ko ng Amerika, kailangan i-schedule na rin ang operation ko para tanggalin ang left uterus ko. Pero bago ako operahan, kailangan tama ang bilang ng RBCs ko. Kaya kailangan magawa ko na ang blood transfusion bago ako umalis,” paliwanag pa ng singer.

Ayon pa kay Dessa, “For now, I’m taking iron para mabalanse ako.Kumakain din ako ng mga pagkain na makakatulong sa pag-normalize ng dugo ko. Madalas akong mahilo and one time nag-faint na ako. Kaya hindi ko kayang mag-isa lang ako kapag lumalakad ako. Or else, babagsak ako. Kaya ipinagdarasal ko na magkaroon ng blood donors ng A+ para matuloy na ang transfusion ko.”

Leave a comment

Leave a Reply