
Snooky enjoys the challenge of doing villain roles
by Archie Liao
Marami ang napapabilib sa acting ni Snooky Serna bilang si Mercedes de la Paz sa pinag-uusapang Kapuso primetime teleserye na “My Faithful Husband” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Malakas ang dating ng pagiging kontrabida mo sa teleseryeng “My Faithful Husband.” Sa katunayan, marami ang pumupuri sa epektibo mong pagganap. Sa palagay mo, bakit ngayon ka lang napapansin sa iyong pagganap?
“Sa tingin ko, nasanay kasi sila na nakikita at napapanood si Snooky na mabait. Hindi nila ako nakikita na barumbado, nagmumura, walanghiya, maldita, at demonya,” bungad ni Snooky sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Hindi ka ba naasiwa na i-portray ang ganitong klaseng role na hindi mo naman nakasanayang gampanan?
“Actually, to be honest, noong una naasiwa ako. Kasi I’m doing a role na out of my comfort zone. As an actor naman wala akong choice kasi like it or not, ito yung source ng bread and butter ko so in-enjoy ko na lang yung ginagawa ko. Besides, naging goal ko to challenge myself na hindi lamang roles within my comfort zones ang dapat kong i-portray. I also had to be open dun sa mga challenging ones din naman, hindi ba?,” aniya.
Aminado rin si Snooky na minsan ay totoong nagkakasakitan sila ng mga co-stars niyang sina Rio Locsin at Jennylyn Mercado sa kanilang mga eksena ng kumprontasyon sa “My Faithful Husband.”
“Hindi kasi minsan, maiiwasang magkaroon ng pisikalan. Lately nga, nagkaroon ako ng pasa noong confrontation namin ni Jen noong lumaban na siya sa akin. Pero, I don’t take it personally. Walang pikunan o gantihan. Tanggap ko na, as actors, expected ko na things like these do happen. Minsan, nag-uusap kami, nagso-sorry kami in advance especially kung intense ang scenes at minsan ay madadala ka sa emosyon mo pero lahat ay trabaho lang,” paliwanag ni Snooky.
Ayon pa kay Snooky, bilang kontrabida sa “My Faithful Husband,” hindi naiiwasang ma-bash siya sa social media at magkaroon siya ng “haters.”
“Minsan kasi, noong namimimili kami noong friend ko na si Rosanna sa isang store, may isang saleslady na hindi ako pinapansin noong nagtatanong ako. Binulungan niya iyong PA ko at sinabing ‘inis na inis ako diyan kasi inaapi niya si Jennylyn.’ So, naintindihan ko where she’s coming from kaya inunawa ko na lang siya,” paglalahad niya.
Pero kung may haters siya, may mga sympathizers raw naman siya na pinupuri ang kanyang pagganap.
“Meron rin namang naiintindihan na role lang iyong ginagampanan at nauunawaan ako bilang isang ina na concerned lang sa anak lalo na’t doon sa kuwento, ina ako ni Dennis na pinindeho ni Jennylyn,” aniya.
Grateful rin si Snooky sa magagandang proyekto na naihahanay sa kanya ngayon sa itinuturing niyang second wind sa kanyang acting career. Isang karangalan para kay Snooky na mapasama sa monumental epic na “Felix Manalo” kung saan ginagampanan niya ang role ni Pilar, ang panganay na anak na babae ni Ka Felix.
Mula sa Viva Films, ang ‘Felix Manalo’ na nagtatampok kay Dennis Trillo in a title role at mapapanood na sa lahat ng sinehan sa buong bansa.