May 24, 2025
T.V.

Snooky Serna and Nash Aguas stars in a heartwarming episode of “Maalaala Mo Kaya”

Sep 10, 2015

psr a12d

by PSR News Bureau

Muling ipakikita nina Snooky Serna at Nash Agua ang galing nila sa pag-arte sa isa na namang makabagbag-damdamin na episode ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) ngayong darating na Sabado, Setyembre 12bb04af0f7ecaee4aae62035497da1387-ORIGINAL. Kuwento ito ng isang inang may mental disability. Ipakikita dito ang pagmamahal ng isang ina sa pagbabahagi ng kuwento ng isang babaeng sinikap gawin ang lahat para sa kanyang anak sa kabila ng pagkakaroon ng mental disability. Gagampanan ni Snook yang papel ni Maritess na ginagawa ang lahat upang iparamdam sa anak na si Jeremy (Nash) ang kanyang pangngangalaga at pagmamahal.

Snooky-MMK-2Ano ang mga pagsubok na kinailangang harapin ni Maritess para patunayan ang kanyang sarili na kaya niyang maging isang magulang? Gaano ba kasakit para sa kanya na ikahiya ng kanyang sariling anak?

Kabituin rin nina Snooky at Nash sina Maureen Mauricio, Pen Medina, JB Agustin, Nene Tamayo, Crispin Pineda, Rufami, Marnie Lapuz, Poppert at Peewee ‘O Hara.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval, at panulat ni Nikki Bunquin. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Leave a comment

Leave a Reply