May 23, 2025
Sofia Andres defends Diego over issue of drug use
Latest Articles

Sofia Andres defends Diego over issue of drug use

Feb 22, 2017

Close friends sina Sofia Andres at Diego Loyzaga pero hanggang ngayon ay ayaw nilang bigyan ng label ang kanilang relasyon.

“Whatever we have, hindi po naman siya ganoon ka-intense ang emotions. Parehas pa kaming ‘working’ at uunahin ko po muna ang family ko. Basta kami ni Deigo, we are here to support each other,” pahayag niya.

Alam din ni Sofia ang pinagdadaanan ni Diego lalo na ang naging ‘rants’ nito sa social media tungkol sa ama nitong si Cesar Montano.

“Opo. Naikukuwento po niya,” pakli niya.

Bago pa man, inilabas ni Diego ang kanyang mga hinaing sa ama na ikinagulat ng mga netizen, sinabi ni Sofia na hindi raw siya kinunsulta ng rumored boyfriend.

“Nagulat din po ako. After that, I talked to him. We talked about it. Ako naman, I’m always here to listen to him. To give moral support. Pero naiintindihan ko naman where he’s coming from at ipinagdarasal ko rin na maayos na ang lahat,” sey niya.

Ipinagtanggol din ni Sofia si Diego sa umano’y paratang ni Cesar na gumagamit ng droga ang kanyang best friend.

“No, that’s not true. Sabay po kaming nagpa-drug test honestly at alam iyan ng Star Magic at kaya kong patunayan na negative siya sa drug test,” depensa niya.

Tungkol naman sa isyung pinalayas umano si Diego sa bahay ng ama kaya naghihimutok ito, ito ang masasabi ni Sofia.

“Hindi ko po alam. Hindi ko rin naman alam ang lahat ng nangyayari sa kanila. Basta, ipinagdarasal ko na lang na magkaayos sila. Sino ba naman ang may gustong may dinadala? Kung meron man siyang hinanakit, siyempre gusto ko ring mawala iyon,” esplika niya.

In fairness daw naman kay Cesar, na-meet na raw niya ito at magiliw naman siyang pinatunguhan nito.

Sa ngayon, okey na raw si Diego lalo pa’t maraming sumusuporta rito kasama na ang kanyang ina, stepmom at mga kapatid. Pero, wala siyang alam, kung nagkausap na sina Diego at Cesar.

Para kay Sofia, marami silang bagay na pinagkakasunduan ni Diego kaya nagja-jive ang kanilang personalities.

Naging bida na sa pelikulang “Relaks, It’s Just Pag-ibig” katambal si Inigo Pascual pero hindi ito nagtuloy-tuloy.

Feeling niya hindi naman nausog o naudlot ang kanyang career dahil kasama siya sa main cast ng “Pwera Usog” ng Regal Films na mapapanood na simula sa Marso 8.

pwerausog_poster-1-webres

“Hindi ko rin alam kung bakit. Talagang patience lang talaga. So far, may movie ako at may ginagawa akong teleserye with Diego this year,” bulalas niya.

Na-challenged siya sa kanyang role dahil ito ang kauna-unahan niyang horror movie, kung saan kinarir niya ang tumili at manggulat  na kakaiba sa mga drama at comedy na nagawa na niya.

Sa tunay na buhay, naniniwala si Sofia sa ‘usog’ at maging sa mga multo.

“May mga nakikita po kasi ako. Hindi ko masasabing third eye pero siguro, malakas lang ang pakiramdam ko,” pagwawakas niya.

Mula sa direksyon ng award-winning director na si Jason Paul Laxamana, kabituin niya sa “Pwera Usog” sina Joseph Marco, Devon Seron, Cherise Castro, Albie Casino, Kiko Estrada kasama sina Aiko Melendez, Eula Valdes at Rommel Padilla.

Leave a comment