May 22, 2025
Sofia Andres, New Movie Actress of the Year awardee; Relates her overwhelming happiness
Latest Articles

Sofia Andres, New Movie Actress of the Year awardee; Relates her overwhelming happiness

Mar 10, 2015

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud

Nanginginig na umakyat si Sofia Andres sa entablado nang tawagin ang pangalan niya at nanalo bilang New Movie Actress of the Year for the movie ‘Relaks It’s Just Pag-ibig’, sa katatapos lamang na 31st PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa The Theater at Solaire last Sunday. Nagpasalamat siya sa Star Magic at sa kanyang pamilya sa suportang tinatanggap niya. Pagbaba ng stage ay agad naming kinunan ng reaksyon ang young actress.

Sofia Albert

“Hindi pa rin po talaga mag-sink in sa akin,” bungad niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR).

“I can’t believe it. Sobrang happy po talaga ako. It’s a big achievement for me na sa mga nominee, sa akin po nila ibinigay.”

Sa kategoryang Best New Movie Actress ay nakatunggali niya sina Sophie Albert, Ritz Azul, Athena Bautista, Coleen Borgonia at Coleen Garcia.

Hindi lamang sa pelikula maganda ang tinatakbo ng career ni Sofia, maging sa telebisyon. Matindi ang impact ng role niya bilang si Kate sa top-rating serye na ‘Forevermore’. Ka-love triangle siya ng bidang si Liza Soberano kay Enrique Gil. Challenging daw ang role niya pero aminadong may mga haters at bashers siya sa mga fan ng LizQuen (Liza-Enrique).

“Hindi po talaga maiiwasan yun. Nagagalit sila sa akin pero hindi naman po lahat. May mga sumusuporta rin sa role ko at nakikisimpatya sa akin. Sila na lang po yung iniisip ko. Iniisip ko rin po na siguro I’m effective for the role kaya affected sila.”

Tila nata-type cast siya sa mga kontrabida roles, okey lang ba sa kanya?

“Kung ano lang naman yung ibigay na role pinagbubutihan ko pero gusto ko rin ng bida roles.”

Sinasabing siya na ang next important star ng Kapamilya network. Pagkatapos mabigyan ng malaking project sina Liza Soberano, Janella Salvador at Julia Barretto ay siya na raw ang next in line. Ngayon pa na may award na siya ay tiyak mas ipu-push siya ng kanyang mother network. Ano ang pakiramdam niya at sino sa mga Kapamilya male young stars ang gusto niyang maka-loveteam? Si Inigo Pascual ba na leading man niya sa Relaks It’s Just Pag-ibig?

“Taken na po siya eh, katwiran niya. Si Inigo ay pinareha na kasi kay Julia Barretto.

“Siguro ang top three ko, Diego Loyzaga, Julian Estrada at Marco Gumabao.”

Bukod sa New Movie Actress of the Year ay naging Truderm Papaya Female Star of the Night din si Sofia.

Sofia Albert 01

Follow me…

social  networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply