
“Solenn Heusaff is my girl crush.” – Glaiza De Castro
Pinabulaaan ni Glaiza De Castro na may relasyon sila ni Benjamin Alves. Si Benjamin ang nagbigay sa kanya ng titulo ng album nitong ‘Synthesis.’ “Wala, pero magkasama kasi kami sa ‘Dading’ nun. Humingi ako sa kanya ng tulong sa mga words na puwede kong gamitin, like other terms for collaboration, fusion, mixture, mga ganyan, so nag-send siya sa akin ng list of words. Kasi literature major siya, so alam ko na mabibigyan niya ako ng mga magagandang salita,” sambit niya nang makatsikahan siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa album launch niya sa Runner’s Kitchen sa Tomas Morato.
Sinabi pa ni Glaiza na ang huling showbiz boyfriend niya ay si Felix Roco. E, si Patrick Garcia, hindi ba naging sila?
“May asawa na ‘yun,” reaksyon niya. “Parang one season lang ‘yun,” pakli pa niya na ibig sabihin ay maikli lang ang panahon na naging mag-on sila (ni Patrick).
Bakit ‘Synthesis’ ang napili niyang title sa album?
“Yung concept kasi ay collaboration talaga with my friends, sila Angelica (Panganiban), sila Chynna (Ortaleza), then nag-contribute din si Alessandra de Rossi. Yung sa second and third track, siya (Angelica) yung nagsulat ng kanta na yun. Yung ‘Barcelona’ at saka ‘Waiting Shed.’Nasa Barcelona kasi siya (Angelica) nung mga panahon na yun tapos pinadalhan niya ako ng text tapos hindi ko pa naintindihan nung una kasi ang lalalim nung mga salita.”
“Tapos parang hindi naman ito message ng pangungumusta. So ginawa ko siyang song. Pero yung lyrics at words by Angelica. Nung mga panahon na yun kailangan niyang ilabas yung mga emosyon niyang natatago,” kuwento ni Glaiza.
Mahilig daw talaga magsulat si Angelica at si Chynna naman sa artwork.
“Kung mapapansin ninyo, pag-open ninyo ng CD, may postcard po sa loob ng CD na mayroong nakasulat na “listen to your voice,” si Chynna po ang nag-drawing nun.”
Mapapakinggan sa ‘Synthesis’ album ni Glaiza ang mga original na kantang ‘Country Tree’, ‘Barcelona’, ‘Waiting Shed,’ ‘Makataruok’, ‘Memo’ (kung saan kumanta rin si Alessandra de Rossi), ‘Sa ‘Yo Pa Rin,’ ‘Dusk Till Dawn’ (na siyang carrier single) at ‘Pag-Ikot.’
Dream din ba niya na makapag-concert sa isang malaking venue tulad ng Araneta Coliseum?
“Puwede. Pero sa ngayon hindi ko pa nakikita yung sarili ko na ano, yung tipong pang- Araneta level. Dream ko talaga yun at saka yung pang-Philippine Arena po,” pagbibiro niya.
Kung mabibigyan ng chance gusto ni Glaiza na maka-duet sina Bamboo, Armi Millare ng ‘Up Dharma Down’ at si Gary Valenciano.
Kasama rin si Glaiza sa seryeng ‘The Rich Man’s Daughter’ na kung saan ay nagpasalamat siya kay Marian Rivera dahil ipinaglaban siya at ito ang nag-push na makasama siya sa serye. Nagkaroon sila ng rapport sa seryeng ‘Temptation of Wife.’
Ayon pa kay Glaiza, almost 75 percent na pala ang nakunan na eksena kay Marian sa serye bago ito napunta kay Rhian Ramos. Nung mawala raw si Marian sa serye dahil sa pagbubuntis nito ay nag-viber message siya at nagpasalamat dahil nagkaroon siya ng project ngunit nalungkot din siya na naudlot ang pagiging leading lady niya kay Marian. Pero naiintindihan niya ang pagba-back out ni Yan sa project dahil kaligtasan naman ng batang dinadala nito ang dapat isaalang-alang. Si Glaiza sana ang ‘leading lady’ ni Marian sa nasabing Kapuso primetime series at ipinaglaban nito si Glaiza para sa role na iyon.
“May times pa na sinasabi niya (Marian), ‘Mag-pray ka dahil may mga ibang kino-consider for this. Kumbaga, nakikipag-away ako para rito,’” kuwento pa ni Glaiza.
May eksena ba silang halikan ni Marian na nakunan?
“Wala, more on mga ano, forehead to forehead. Suggestive. Mga sexual tensions,” pakli pa ng aktres.
May experience na si Glaiza na ligawan ng tomboy?
“Wala pa,” mabilis niyang sagot.
Tinanong din naming siya kung sino ang girl crush niya?
“Si Solenn Heussaff,” mabilis niyang sagot.
Ready ba siyang makipag-tomboyan kay Solenn?
“Pwede. Nakikipag-tomboyan na nga ako, eh! Ha! Ha! Ha!,” tugon niya.
Nakatrabaho na raw ni Glaiza si Solenn sa ‘Sunday All Stars.’ Ini-intriga rin dati na tomboy si Glaiza pero secure siya sa sarili niya na girl siya at boy ang type niya .