June 8, 2025
‘Solo Para Adultos’ unclothes Feb. 10 & 17
Latest Articles This is it!

‘Solo Para Adultos’ unclothes Feb. 10 & 17

Jan 16, 2018

Muling mapapanood sa February 10 at 17, 2018 ang sex comedy play na SOLO PARA ADULTOS sa Music Museum.

Ito ay handog ng Red Lantern Productions na pinamumunuan ni Sir Yuan Barron Ho.

“Nag-enjoy kami. Isinasalarawan din ng play ang kaganapan sa Philippine showbiz na kung saan ay may mga taong biktima ng masalimuot na mundo. Tumatalakay ito sa pag-ibig, gamitan, ambisyon, pagbibiro ng kapalaran, pagsasakripisyo, pag-asa, panlilinlang at paghihiganti. Matagal-tagal nang walang theme na ganitong stage play,so we decided to push through the project,” bulalas ng producer na Sir Yuan.

Mas daring ang sex comedy play na “Solo Para Adultos” kumpara sa “Penis Talks” at “The Vagina Monologues.”

Pero sey nga ni Sir Yuan, “iba ‘yung atake nung mga scenes.”

“It’s a film within a play. ‘Yun ang kaibahan niya,” sey naman ng Production Manager na si Doming Almoite.

Ayon naman kay Direk Bong Ramos, “matapang ‘yung mga artista, eh.”

Ang lahat ng cast ay dumaan sa audition sa pangunguna ng Mr. Gay World 2017 title holder at grand winner ng ‘ I Am Pogay’ ng ‘It’s Showtime na si John Raspado (Closet hunk actor), Vivo Ouano ( The Masseur) , April ‘Congrats’ Gustilo (The Porn Queen), Andres Vasquez ( The Stripper) at Tori Garcia (The Scandal Queen).

Kasama rin ang dating That’s Entertainment member na si Brylle Mondejar bilang gay director, Mosang bilang lesbian manager at si Genesis Gallios.

Scene Stealer si Genesis bilang gay director na nagpasasa kay John Raspado. Standout ang acting ni Brylle Mondejar bilang baklang director. Marami siyang ginulat dahil binigyan niya ng justice ang kanyang role. Havey rin si Mosang bilang lesbian talent manager at Chinese producer at ganun din si Congrats bilang Porno Queen. Pinatunayan din ni Vivo na malaki ang improvement niya pagdating sa pag-arte. Hindi rin nagpahuli sina Andres, John at Tori.

Bagamat mahaba ang play ay bilib kami na naitawid nila ang pagme-memorize ng script. Hindi masasayang ang pera at oras sa panonood ng play na ito kaya abangan ito sa February 10 at 17 sa Music Museum.

Para sa ticket, tumawag sa TicketWorld– 8919999.

Leave a comment