May 23, 2025
Sophie Albert finds Vin Abrenica a good husband material, asserts not insecure of Shaira Mae
Latest Articles

Sophie Albert finds Vin Abrenica a good husband material, asserts not insecure of Shaira Mae

May 1, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

10354437_277040909143084_271028708_n More than a year na relationship ng mga ‘Artista Academy’ grand champions na sina Vin Abrenica at Sophie Albert at sa loob ng panahong iyon ay kumportable at kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa. Sa katunayan, para kay Sophie, masasabi na nitong good husband material si Vin.

“Nakikita ko kasi ang sarili ko spending the rest of my life with him. We bring out the best in each other. Our relationship is healthy. There is room for learning at hindi siya suffocating”, pahayag ni Sophie.

Hindi ka ba nagdaramdam sa TV5 at tila mas paborito nila ang tambalang Shaira Mae at Mark Neumann dahil nakapag-shoot na sila ng ‘Wattpad’ sa Hongkong Disneyland at ila-launch na sila sa primetime sa mas bongang ‘The Baker King’, considering na kayo ni Vin ang mga grand champions ng Artista Academy?

Sophie-Albert-Vin-Abrenica“Wala naman talaga akong problema with TV5 or even with Shaira. Management’s decision iyon. It’s just that I’m still holding on doon sa promise nila, since homegrown talent nila ako. The truth is that I haven’t done any teleserye or major project for two years. Kung sa career ko naman, if it doesn’t work, I believe God has other plans for me here or elsewhere,” makahulugan niyang pahayag.

As far as pagpapaseksi sa pelikula, strong pa rin ang stand ni Sophie na huling daring role na niya ang ginawa niya sa ‘#Y’ kung saan nanalo siya ng special citation for ensemble acting sa Cinemalaya.

“Napagisip-isip ko na gusto kong maging good role model sa kabataan sa mga ginagawa ko but I have nothing against sa pagpapa-seksi. It’s my choice. Puwede naman akong mag-evolve as an artist sa iba’t-ibang klase ng roles na ipino-portray ko,” pagtatapos niya.

Mapapanood muli ang tambalang ‘SoVin’ sa Wattpad Presents ‘Marry You’ na magsisimula nang umere sa Mayo 4, sa ganap na alas-9 ng gabi sa TV5.

Leave a comment

Leave a Reply