
Soul Master Thor Dulay dedicates career blessing to her mother!
Lahat daw ng ginagawa ng mahusay na singer na si Thor Dulay ay para sa kanyang yumaong ina na ang pangarap sa kanya ay mapanood siyang umaawit sa telebisyon .
“Naiiyak tuloy ako, for sure manunuod siya, sana proud siya kasi eversince naman proud siya sa akin. Sana lang naabutan niya yung nasa stage na ako at nagco-concert , pero sobrang masaya yun for sure,” pahayat ni Thor ng makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon na ginanap sa Centerstage kamakailan para kanyang First Major Concert sa July 17, 2015 sa Music Museum entitled “Thor Soulful Concert 2015 ” na hatid ng Aqueous Events Management ni Sir Vince Jeremiah Abasolo.
A song for mama na ayon pa sa kanya ay hindi daw nito kayang umawit ng awitin alay sa kanyang ina.
“Di ko kaya, never ako kumanta ng pang mama, sa church nga pinapakanta ako about mom, ‘di ko kaya, namatay siya 2010 pero ‘di ko kaya kumanta ng songs for mama.
“Until now dala-dala ko pa rin ang pangarap ng nanay ko para sa akin, alam kong nandyan lang siya sa bawat performance ko,
“Darating din yun time na makakaya ko ng kantahan siya, pero sa ngayon hindi talaga kasi maiiyak lang ako,
“Miss na miss ko na siya, sana naabutan niya yung pagiging totoo ng pangarap niya sa akin, mahal na mahal ko siya,” naluluhang pagtatapos na pahayag ni Thor .
Kwento pa niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR) na nung bagu-gbago pa lang daw siya ay may isang vocal coach ng mga sikat na singer at artista ay nakatanggap din daw siya ng pagtataray.
“Isang beses, di ko na sasabihin kung sino siya,
“Pero siguro dahil ayaw ko mag-judge baka, mainit ulo niya that time at hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkita mula nuon.”
Balak mo ba siyang imbitahan?
“Wala akong number nya, baka may problema siya nung time na yun,
“Pero na-offend ako nuong time na iyun, ‘pag lumlaapit ako at magtatanong kung handa na siya sasabihin lang ‘mamaya’, one word lang.” Na-offend ako, ‘oo,’ pero hindi ko ginawang big deal sa industriya na ito. Kailangan strong ka, hindi yung fragile na konting insult sa ‘yo ay magmumukmok ka na.
“Ganun talaga ang buhay kapag nasa mababa kang posisyon hindi talaga siguro maiiwasang maka-experience ka ng ganun,
“Pero magsisilbing inspirasyon naman sa ‘yo yun para mas galingan mo pa at mas mag-pursige ka para matupad ang pangarap mo.”
At ngayon ngang may first Major concert na ito ay grabeng paghahanda daw ang kanyang ginagawa
“Una yung mga songs na gagamitin sa concert, everyday ko pinapakinggan, siguro mga 80 % memorize ko na ngayon,
“Tapos ensayo ng ensayo at kantahin parati yung mga songs sa concert and listening din sa mga magagandang music para may magandang choices pa.”
Dapat daw abangan ng kanyang mga tagahanga ang mga pasabog niya sa kanyang concert.
“May makikita silang mga hindi pa nakikita sa mga previous concert , baka sumayaw ako ha ha ha,”
Habang palapit ng palapit daw ang kanyang konsiyerto at super excited na ito.
“Hindi ko alam kung bakit pero itong concert ko ay sobra akong excited,
“Dati kasi may kaba pa rin , pero ngayon ay sobrang excited ako kasi itong concert na ito ay sobrang hands-on ako na talagang halos lahat ng songs ay ako ang pumili,
“Tako rin ang mag a arrange ng mga songs, tapos ako rin ang gumawa ng back up.,
“So talagang itong concert na ito ay Thor talaga, na halos lahat ng karamihang mapapanood nila ay input ko.
Ano ang payo mula sa kanyang mentor na si Coach Apl D Ap?
“Hindi pa kami nakapag-usap, pero ang alam ko ay andito siya ngayon.
“Mas more on RNB kasi siya eh. Sa concert, ang Corner Stone and Aquaeus ang nag-isip ng konspeto ng concert at naging tema ngayon, soul.”
Magsisilbing back up singer naman daw niya ang kanyang kaibigan.
“Mga back up singer ko ay friends ko, si Suy na nasa ‘The Voice’ din na parehas kami team APL; nagpresisnta siya,
“Tapos si Gail Blanco na partner dati ni Jed Madela at si Brenan Espartinez.”
Wala naman daw pressure para kay Thor at maagang nabigyan ng tag bilang ‘Soul Master’.
“Hindi naman, comfortable lang ako sa genre na soul, kasi eversince soul na talaga ang pinapakinggan ko.”
Nang tanungin naman namin siya tungkol sa mga bashers, Sinabi niyang, “handa na ako sa mga bashers sa pagbibigay sa kanya ng titulong Soul Master. Reding-ready na ako at makikita nila sa concert ko at pati sa guestings ko na bigay todo talaga.”
Tatalikuran na daw sa ngayon ni Thor ang pagiging back-up singer.
“Sa totoo lang, love na love ko ang pagiging back-up singer. Nalulungkot nga ako nuong kailangan ko ng umalis sa GGV kasi nag-e-enjoy talaga ako,
“Kaya lang, may plano ang manager ko for me. Masunurin naman akong talent kaya susundin ko muna Sir Eric (Cornerstone),
“Pero if may chance why not? Masaya maging back-up, ako naman kasi kung saan ako ilagay, basta may music masaya ako.
Pagbabalik-tanaw ni Thor na dati daw ay marami na ang nangangako sa kanya na tutulungan siya pero hindi naman totoo .
“Dati, nasaktan ako, ako kasi yung gusto ko sabihin mo na lang ang totoo sa akin, w’ag mo lang ako paasahin,
“Matatangap ko maman ang totoo eh, yun yung mas gusto ko at ayaw ko ng lies. Dapat sabihin mo lang ang totoo sa akin. Fine. Madali ako kausap.
“Sa tagal ko rito, naging manhid na ako kahit papaano.”
Sa ngayon daw ay hindi na nito nakikita yung mga taong nangako sa kanya.
“Hindi pa pero nag-message siya sa akin nuong nasa ‘The Voice’.
“Ang ganda nga eh, kasi sa ‘The Voice’ ay marami ang naging katampuhan ko dati na natuwa,
“Nakakatuwa yung mga titser ko na inis na inis sa akin nuon kasi bully ako, pero di ako nananakit, alaskador lang hahaha,
“Nuong nag-homecoming ako sa ‘The Voice’, binigyan ako ng pagkilala sa school at nuong nagbigay sila ng speech ay ambait ko na, sabi nga ng mga barkada ko eh ang bad ko nuon.
“Masaya ako nung nakita ko sila (titser) kasi loyalty awardee ako sa school.”
Naging malaking bahagi daw ng pagiging singer ni Thor ang mga awitin nina Gary V, Martin Nievera, South Border, Lani Misalucha at sa mga international singer na sina Stevie Wonder, Bryan Mcnight, Boyz to Men, John Legend at James Ingram.
“Bata palang ako ay fascinated na at mahilig na ako sa black artist, paano kaya nila ginagawa yung kulot kulot ganun.”
Wala daw formal training noon si Thor sa pagkanta.
“Wala, ano talaga ako, masipag mag-aral. Nasisira nga dati yung mga tape ko dahil naiinis ako kapag diko nakukuha,
“For example yung unang bili kong tape na Boyz2men, ‘pag inaral ko yan, kunwari Song for Mama ay hindi ako mag-mo-move on sa isang song kung hindi ko naaral ng todo-todo, ganun ako kasi sobrang perfectionist.”
Minsan na rin daw itong sumali sa mga singing contest.
“Dati sa school, sa mga inter-school at lagi akong nananalo,
“Pero hindi sa amateur singing contest na may premyo, more on trophy lang,
“Pero meron akong sinalihan na ‘Star Quest’ sa MTV dati, fan ako ng singing contest pero ‘di ako sumasali kasi natatakot ako.
“Sumali ako sa ‘Star Quest’ nuon kasi wala na kaming pera. Nag-banda ‘ko, dati kasi sabay-sabay kaming nandito sa Manila, kasi taga-Davao kami, wala na kaming pera, wala na kaming pambayad ng boarding house, wala kaming pagkain,
“Sumali ako sa ‘The Voice’ dahil may friend ako na taga-ABS-CBN at swerte rin kasi andun si Darla Sauler, kasi si Darla same school kami, parehas kami ng probinsya,
“Sabi nya ‘wag ka na lang pumila. Next week na lang at isasalang ka na,’ sabi nya.
“Nuong ako na nag-audition, ayun natanggap. Tapos nuong nag-compete ako, ayun nanalo, so nabayaran yung boarding house naming. Kasi ilang months, wala kaming pagkain noodles lang, itlog tapos wala kami higaan, lapag lang.”
Saludo daw ito sa kabaitan ni Vice Ganda.
“Si Vice (Ganda), nahihiya pa rin ako dun kasi very friendly sa amin si Vice. Mataas ang respeto niya sa banda, sobrang mahiyaain talaga ako, it’s so ironic na nadito ako sa business na ito,” pagtatapos ni Thor.