
Speech of the Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera awardee, Director Maryo J. delos Reyes on the occasion of the 31st PMPC Star Awards for Movies
Transcribed by Ruben Marasigan
“Nasa kindergarten pa lang ako, gusto ko na talagang maging director. Ang aking 36 years of doing movies and television is a gift from God.
“And I want to thank Him for this talent that He has given me.
“Do’n pa lang ho sa kindergarten ay tinatanong na ako ng mga teacher ko kung ano ang dapat gawin. Mga eksenang puwede gawin sa Christmas play.
“Ang lahat ng ito po ay impluwensiya ng aking ina. Sa tulong niya at sa pagtuturo niya habang nasa PWU (Philippine Women’s University) siya noon, nag-aaral din ako ng mga ginagawa niya at ipinagagawa sa mga estudyante niya.
“Kaya pag-uwi ko ng bahay meron akong mga drawing. Meron akong painting at mga kung anu-ano.
“Hanggang sa nakatapos ako ng elementary. Nabago naman ang linya at nagkaisa-isa kami ng mga barkada ko, kaibigan. At mga kaklase na pumasok sa seminaryo.
“So pumasok ako sa seminary… four and a half years. Do’n ko nakilala ang PETA, ang Phillippine Educational Theater Association.
“Nag-PETA ang seminary. Nagulo ang seminary.
“So ang sabi nila… ay, Maryo baka puwedeng do’n ka muna sa university mag-aral. Para makakagawa ka naman ng evangelization habang nasa labas ka.
“Doon, ‘yong chapel naging teatro. ‘Yong mga playground, nagkaroon na ako ng mga show doon.
“So they all decided to let me enrol in the University of the Philippines. That’s where I took up Mass Communication, major in Broadcasting and minor in the Humanities.
“This help me mould myself into a director.
“Tapos sa PETA po, doon ko nakilala si Ms. Cecille Guidote Alvarez who’s my mentor, my teacher, and the great maestra.
“I owe her a lot.
“And from then on, she introduced me to Lupita Concio Kashiwahara who helped me informing myself. Tinuruan niya po ako sa pagdi-direk. At naging assistant niya ako.
“Doon ko naman nakilala ang greatest Superstar na si Ms. Nora Aunor.
“Na malaki ang naging tulong sa aking career. Binigyan niya ako ng pagkakataon na makapag-direk.
“Iyon ang pagdi-direk ko ng ‘Makulay Na Daigdig Ni Nora’.
“Sa una pa lang, nanalo na agad ako ng award bilang Best Director In A Drama Series. At saka Best Writer for ‘Makulay Na Daigidg Ni Nora’.
“And she was also my first diligent “workshoper”. No’ng tulungan namin ang paghububog sa kanyang kapatid na si Eddie Villamayor.
“And with her, we did [it], sa tulong ng pagdidirek ni Lupita… we did ‘Alkitrang Dugo’ at ‘Minsa’y Isang Gamu-Gamo’.
“Pagkatapos noon, nabigyan po ako ng pagkakataon na magdirek sa Agrix Films. Inimbita ako ni Tom Adrales para i-handle ang mga bata sa High School Circa ’65 which is my first film.
“Dito, tinawag ko ang nanay ko sa tulong. Kaya lang no’ng pagkakataong iyon, she died at that time.
“So ‘yong unang kinita ko roon ay ipinang-gamit namin sa kanyang pagburol at sa pagpapalibing.
“And then, I realized at that time that doing movies is really blood, sweat, and tears.
“Umiyak ako. Nasugatan ako. At ang damdamin ko ay nabiyak.
“Kaya lang mula noon, nagkaroon na ako ng pagkakataon para makapag-direk pa ng sunod-sunod na pelikula.
“Doon sa pelikulang ‘yon nakasama ko ang mga beteranang sina Charo Santos, Eddie Rodriguez, at Liza Lorena.
“At ang dami-daming mga bata na pinangungunahan nina Roderick Paulate at lahat ng mga sikat na artista noong mga panahong iyon.
“After that, I did a lot of other films… ‘Gabon’, ‘Apat na Maria’… at binigyan ako ng pagkakataon ni Nora na mag-direk ng pelikula niyang ‘Annie Batumbakal’.
“It was a big big hit. Mula noon, nagkaroon ako ng, ang dami-daming offers.
“Siguro that time I have seven offers in one sitting.
“Hanggang sa tuloy-tuloy na. In-ofer[an] ako ng iba-ibang mga producers. Na gusto ko silang pasalamatan lahat.
“Hanggang I was engaged with movies that dealt on children. And then I shift into films that went into relationships like ‘My Other Woman’, ‘Sinugaling Mong Puso’.
“’Yong mga kabataan films, mga youth oriented films like ‘Bagets’, ‘Kabilin-Bilinan Ng Lola’, at marami pang ibang pelikulang pambata.
“And the I went to inspirational films like ‘Gabon’, ‘Naglalayag’, ‘Bamboo Flowers’.
“Sa TV naman, marami rin akong ginawa na katulad no’n like ‘Nino’ at ‘yong ngayon ay ginagawa kong ‘Pari Koy’.
“I’d like to thank a lot of people because they have shaped my career. Si Mr. Vic del Rosario, si Atty. Manalo, si Madam Violet Sevilla, si Via Hoffman, Aling Miling Blas and Aling Doreng of Lea Production.
“The late Atty. Laxa, I did a movie with him in Tagalog Ilang Ilang Production.
“Especially Ms. Nora Aunor, who is a friend, an actress, and a great barkada.
“Ms. Malou Santos and Charo Santos of Star Cinema.
“Tom Adreales who shaped me… bringing me in to the film industry.
“And the late Douglas Quijano.
“And most of all, Mother Lily Monteverde. Sa kanya ho ako matagal na nagtrabaho.
“Marami akong natutunan sa kanya. Inspite of the fact that she has continually founded on us na lahat ng ito… sabi nila na maraming katarayan na ginagawa niya.
“But she’s the compassionate mother that I know. And she’s my second mother in the industry.
“Gusto ko ring pasalamatan si Mrs. June Rufino who is my manager. She has been patient with me.
“And alam n’yo naman ang pagiging director, hindi naman madaling hawakan ‘yan. Andiyan ang aking mga eccentricities na inaamin ko.
“Ang mga artistang nakasama ko. Ang mga artista na tulad nina Aga Muhlach, nina Aiko Melendez, nila Jomari Yllana, sina Ruru Madrid, Yul Servo, sina Miguel Tanfelix, Jiro Manio, at lahat ng ‘yan… my special friends in the industry like Luz Valdez.
“And my partner, my colleague, my editor, my critic… Jake Tordesillas. Lahat po sila… maraming salamat sa inyo.
“Because of this award, I feel so elated.
“And because of this I am inspired and encouraged to do more films. To do more television shows.
“To work harder. And to push through not only the art of filmmaking but [also] to push through the integration of the arts.
“Related arts for that matter – na gusto kong dalhin ito sa aking probinsiya sa Bohol kung saan ang mother ko ay taga-roon.
“At iparamdam sa kanila na ang sining ay ang totoong kaluluwa ng tao o ng isang bansa.
“I want to work on films that tells about relationships of non-partisans. To talk about peace.
“Lalo na ho sa panahon ngayon na nagkakagulo ang mundo – na ang kailangan natin ay ang mensahe na magyu-unify sa atin lahat.
“Ang pursuit – na ang panibagong tanaw na ang inspirasyon ay kabutihan ang kailangang manguna.
“Hindi ang evil. Hindi ang violence.
“Hindi ang lahat ng negative twinges in this world.
“I wish to reiterate also that the young people should now stand up and decide for themselves to fight and make use of the arts as an instrument of their expression of peace, and joy, and love.
“Marami pong salamat sa PMPC. This is a great honor especially from the press.
“I’m so thankful for this recognition. Having deserved this makes me stronger.
“It inspires me. And I want to work harder.
“And please, let’s help the unity… the love for the arts. And I promise you that my passion will never wither.
“Marami pong salamat!”