May 23, 2025
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Spongecola’s Yael Yuzon reacts to Vice Ganda and wife Karylle’s lip-locking act during It’s Showtime’s 6th Anniversary

Sep 28, 2015

 

psr a12d

By: PSR News Bureau

Maraming netizens ang nag-react at nadismaya sa ginawang pakikipag-lip locking ni Vice Ganda sa co-host na si Karylle noong nakaraang Sabado, savice-karylle_0 mismong selebrasyon ng anibersaryo ng “It’s Showtime” na ginanap sa Smart Araneta Coliseum. Katwiran ng nakasaksi sa nasabing ‘mapangahas’ na ginawa ni Vice kay Karylle, may asawa na ang huli kung kaya’t masagwa na tingnan ang nasabing halikan na halatang ikinagulat rin maging mismo ni Karylle. Isa daw itong matatawag na ‘desperate move’ sa kampo ng ABS-CBN at ng pamunuan ng “It’s Showtime laban sa kakiligan na itinatampok naman sa kabilang istasyon na kasalukuyang kinababaliwan ng marami, ang phenomenal na ‘AlDub.’Nagsalita na rin naman ang kabiyak ni Karylle na si Spongecola’s frontman, Yael Yuzon kaugnay ng nangyari. Ayon kay Yael, maging siya ay nagulat at hindi rin nito nagustuhan ang ginawang paghalik ni Vice Ganda sa asawa. Sa isang punto ng show, lumabas si Vice na nakadamit ng panlalaki at bilang alter ego nitong si Viceral para sa isang production number, nilapitan niya si Karylle na nasa audience at hinalikan niya ito sa labi ng dalawang beses.

CP68Z-PUwAIPQQA.jpg-largeSunod-sunod ang mga tweets ni Yael sa kanyang Twitter account upang sagutin ang mga katanungan na ibinabato sa kanya ng mga netizens na nag-react at bumatikos sa ginawang paghalik ni Vice ganda sa asawa nitong si Karylle. Punto ng ilang netizens, malaswa at ‘imoral’ daw ito. Tinuligsa nga maging ang sexual preference ni Vice Ganda dahil dito.

Hindi naman ginawang ‘big deal’ ni Yael ang nasabing insidente.  Ani Yael sa isa sa mga tweets nito: “I don’t normally reply to these things but there is really no need to bash anyone. Live a life of love, focus on the good.”

vice-ganda-and-karyllePara naman sa ilang fans ni Vice, nakikiusap ang mga ito na hindi naman daw dapat binibigyan pa ng malisya ang nasabing kiss dahil alam naman ng buong bansa kung ano ang sexual preference ni Vice Ganda. Trabaho lang daw naman ang nasabing kiss bilang pampakilig sa tamabalang Vice Ganda at Karylle. Wala nang iba pang ibig ipakahulugan pa ito kaya’t hindi na daw tama pang pinalalaki.

Leave a comment

Leave a Reply