
Sta. Ana becoming progressive: Mayor Darwin Tobias holds Mayor’s Night
FULL OF FUN at ENTERTAINMENT ang ginanap na Mayor’s Night noong June 10 Sta Ana, Cagayan Valley sa pangunguna ng butihing mayoor na si Mayor Darwin Tobias katuwang ang kanyang supportive wife na Mrs. Lorna Tobias.
Hindi matatawaran ang gabing iyon na inulan ng mga magagaling na performers. Sa mensahe ng butihing Mayor, ay patuloy syang magbibigay ng kasiyahan at tunay na serbisyo publiko para sa kanyang nasasakupan. Hangad din ng ama ng Sta. Ana na mas makilala pa ang kanyang lugar na ipinagmamalaki ang mga magagandang tourist spots sa lugar.
Kung masaya si Mayor Darwin sa tagumpay na tinatamasa ng Sta. Ana ay ganun din ang kanyang asawa na si Mrs. Lorna na hindi iniinda ang pagod. Hindi lamang mabuting ina si Mrs. Lorna, sya rin ay tunay na may malasakit sa mga tao katulad ng kanyang asawa.
Sa selebrasyon nga noong June 10 ng Mayor’s Night ay napuno ng palakpakan at sigawan dahil sa husay ng mga performers.
Hinarana ng Romantic Pop Balladeer na si Edward Benosa ang mga tao at inalayan ng magandang awitin. Masasabi talagang napaka-charming nya.
Ang sexy star naman na si Ynez Veneracion ay pinainit ang gabi sa kanyang dance number. Walang kupas pa rin ang sexy star.
Adorable at charming naman ang TV host and actress na si Dianne Medina. Hinangaan sya sa kanyang pagiging magiliw.
Ang ibang performances that gave life to Mayor’s Night were from Chivas, Suy Galvez, Raynald Simon, Jojo Riguerra, Side Project Band, Aekaye, and Beki Belo. Nagsilbi namang host ng event ang inyong lingkod, Rodel Fernando. Masayang masaya ang mga tao. Ngiti ang nakita sa kanilang mga labi..
Sa kabilang banda naman, totoo ngang napakalaki ang naitulong ni Mayor Darwin sa mga tao sa lugar. Bukod syempre sa tourism, ay marami rin syang livelihood projects na nakatulong sa mga mamamayan at mga iba pang proyekto na pinakikinabangan ng kaniyang mga nasasakupan.
Talagang kahanga-hanga ang nagawa ni Mayor Darwin at patuloy pa rin siya sa pagsusumikap upang makalikha pa ng mga projects na makakapagpabago at makakapagpaunlad sa Sta. Ana.
Naniniwala si Mayor sa katapatan ang susi sa kaunlaran at pinatunayan ito ng kanyang slogan na “Dapat Tapat.. Sta. Ana Go Go Go.” Patunay ito sa kaunlarang tinatamasa ngayon ng isa sa napakagandang lugar sa Pilipinas.
Sa ngayon, ang Sta Ana ay patuloy na nakikilala ng buong mundo dahil sa magaganda at iba’t ibang atraksyon kaya patuloy si Mayor Darwin sa pagpapaunlad ng turismo nito.
Kabilang sa mga pinoprotektahan at inaalagaang tourist spots ay ang mga Cape EngaƱo Lighthouse/Cove and
Siwangag Covehite sa Palaui Island, Anguib Beach, Mapurao Beach, Nangaramoan Beach at Puzo Robo Beach.
Ang iba pang ino-offer ng lugar ay ang Gotan Mangrove Forest and Waterfalls
Suncity Casino in Barangay Tangatan
Buacag Falls at Sta. Clara (temporary closed), Padlas Falls at Casambalangan, Lamesa Falls, Sinago Cove, Dumasag River at Rapuli, Riding Takuli (a traditional kayak) and firefly watching at Brgy. Casagan.