
Stage actor & comedian Pepe Herrera travels abroad to fight depression
Naaalala n’yo ba ang theater actor at comedian na si Pepe Herrera na kasama noon sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin?
Si Pepe ‘yung medyo long hair na kulot na kasama ni Cardo sa bahay nila.
Nagulat ang lahat nang biglang namaalam sa nasabing serye si Pepe January last year.
Kinailangan muna magbakasyon ni Pepe due to health reasons. Masama raw ang lagay ng stomach acidity n’ya at kailangan ipahinga ang kanyang boses.
Ngunit sumalang pa sa isang musical na Sa Wakas, featuring Sugarfree songs, bilang lead si Pepe, dahil hindi maiurong ang run at nakapag-commit na s’ya na natapos ng February.
April na raw nakaalis ng bansa si Pepe patungong New Zealand for his first destination then he went Switzerland, Hong Kong bago bumalik ng Pilipinas at nagtungo naman ng Laguna at Palawan. Huling lugar na pinuntahan ni Pepe ay ang bansang Thailand.
Marahil nagtataka kayo kung bakit kailangan pang mangibang bansa pa ni Pepe at pumunta sa iba’t-ibang mga lugar. Dahil apart from pagpapagaling ng kanyang mga karamdaman ay dumaan din ang aktor sa matinding depresyon na idinetalye n’ya sa kanyang Instagram account noong November 26, 2017.
Mabuti na lang at may support system si Pepe mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan nu’ng mga panahon na na-depress s’ya.
Nakasama raw ni Pepe ang kanyang butihing ina sa kanyang mga biyahe to recovery.
Ngayong okey na muli ang lahat para kay Pepe, balik showbiz na s’ya ulit para mag-hanapbuhay, ayon sa kanyang handler from Star Magic na Janice Damasco, “He’s very eager to work and he’s back to his old self naman but it was not easy during that time.”
Magko-concentrate muna raw si Pepe sa pelikula at magbabalik teatro rin s’ya sa re-run ng Sa Wakas at kung sakaling magbabalik ang Rak of Aegis sa PETA ay malamang kasama s’ya.
If ever, ngayong April at June daw muling mapapanood sa entablado ang dalawang musical play.
In the mean time, may digital ad daw na gagawin si Pepe at may two indie films na naka-line up sa kanya bukod sa pelikulang Da One That Ghost Away na nagawa n’ya sa Star Cinema with Ryan Bang, Maymay Entrata, Edward Barber, Marissa Delgado, Odette Khan, Enzo Pineda, Lassy, Moi Bien, at Kim Chiu na kasalukuyang showing ngayon in cinemas nationwide.