June 10, 2025
Stars’ dedication to fitness and sports pay off
Faces and Places Latest Articles Uncategorized

Stars’ dedication to fitness and sports pay off

Jun 1, 2015

leony@garcia
By Leony R. Garcia

ENERGIZER-NIGHT-RUN-LOGO

Expect Kapamilya  stars, celebrity runners, families and sports enthusiasts joining the ‘Energizer Night Race’ sa June 27 kung saan 3,000 runners inaasahang tatakbo ang mag-iilaw sa mga kalye ng Filinvest City sa Alabang.

Isang open run ito na bahagi ng commitment ng kumpanya to share positivenergy para sa kabataan lalo na sa beneficiaries ng Bantay Bata 163.

“For every 3k loop that the runners will run, P100 will be donated to Bantay Bata 163 as part of its operation and medical treatment funds. With the expected runners, the Energizer Night Race Manila 2015 aims to raise P1,000,000.00 with the help of the participants who will run within the 2 hours given time,” ayon sa organizer.

Sa mga gustong sumali, maaaring mag-register sa official registration sites Reebok Filinvest, Trinoma and Megamall, RUNNR BGC and Royal Sporting House Glorietta.  For online registration, bumisita sa www.energizer.com.ph, www.Facebook.com/EnergizerPH, and race partnerwww.pepsquadevents.com.

imagesSa showbiz, isa ang TV host at part-time actress na si Pia Guanio na may firm at svelte body dahil sa pagtakbo. Napanatili nito ang fit and trim body matapos manganak dahil sa dedikasyon nito sa pagpunta sa gym. At lalo pa ito naging sporty nang mapangasawa si Steve Mago, isang triathlon competitor. At kahit busy sa showbiz commitment bilang host sa long-running lunchtime variety show ‘Eat Bulaga,’ bonding time ng mag-asawa ang running at biking.  

Over the weekend trending sa social media ang #ThankYouPia bilang sendoff at pasasalamat sa chinita host sa kanyang pag-alis bilang segment host sa ‘Chika Minute’ segment ng ‘24 Oras’ primetime news sa Kapuso station.

For 11 years, si Pia ang regular host ng showbiz segment na ito na naging saksi din ng kanyang transformation from singlehood to motherhood. Gabi-gabi, hindi lamang ang showbiz tidbits ang inaabangan mula sa kanya kundi pati ang kanyang pananamit, makeup at hairstyle. Isa kasi si Pia sa maituturing na fashion trendsetter sa telebisyon.

Naunang sinabi ni Pia sa kanyang tweet na iiwan na niya ang hosting sa naturang news cast upang magkaroon ng mas maraming oras sa kanyang pamilya lalo na sa 2-taong gulang na anak na si Scarlet.

julie_anne_san_jose_shows_off_her_curves_in_skin-tight_dresses_1421049207Isa pang Kapuso artist na fit and sexy din ay ang batang singer/actress na si Julie Anne San Jose dahil sa kanyang 23-inch waitline na mula sa dedikasyon sa kanyang exercise regimen at diet. Sobrang saya nito nang magtrending siya nang siya ay nag-sub kay Pia sa ‘Chika Minute’ segment.

Matapos ang free birthday concert nito noong May 17 para sa loyal fans, umalis ng bansa si Julie Anne para sa concert niyang ‘Japs Live!,’  sa Fort McKinley sa San Francisco, California, noong May 22.

Habang nasa U.S., nag-record na rin si Julie Anne ng ilang kanta na ipo-produce ng American producer na si Sidney “Omen” Brown.

Pagbalik sa Pilipinas, magsisimula na si Julie Anne na mag-taping para sa ‘Buena Familia,’ ang upcoming afternoon soap ng GMA Network. Makakasama niya rito sina Jake Vargas, Kylie Padilla, Julian Trono, Bobby Andrews, at Angelu de Leon.

Leave a comment

Leave a Reply