May 23, 2025
Goose bump experiences on the set of “Halik sa Hangin”
Latest Articles

Goose bump experiences on the set of “Halik sa Hangin”

Jan 27, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

gerald 1Grade B by the Cinema Evaluation Board (CEB) ang romance-suspense movie na Halik sa Hangin ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Julia Montes, JC de Vera at Gerald Anderson kaya super proud at excited ang bumubuo ng nasabing proyekto.

Kinunan ang ilang eksena sa Baguio, ay ilan ay sa isang 1930s abandoned American house at maraming Goosnakakapanindig–balahibong experience sina Gerald at Julia habang nag s-shooting. Minsan daw ay biglang bumukas ang pinto kaya laking gulat nila.

“Ang galing ng timing kasi akala ko effects. Biglang bumukas. Hinawakan ko si Julia, nasa gitna kami ng take, medyo na-bother kami pero tinuloy pa din namin yung eksena. After ng cut, nagsigawan kaming lahat, ‘Ano yun?’” kuwento ni Gerald.

Nag-decide daw ang direktor na si Manny Palo na isama ito sa eksena para maging makatotohanan.

“In this scene, the cameras were already rolling tapos there was one door na ang hirap hirap buksan, kailangang itulak siya. Tapos tamang tama, on cue, bumukas siya mag-isa. Ginamit na namin sa movie talaga yung eksena. Hindi na namin inulit,” he said.

gerald 2Ang ibang scenes ay sa Diplomat Hotel in Baguio City na nila kinunan.

“Pagpasok mo pa lang, makakaramdam ka na. Abandoned building na siya tapos madilim tapos yung ilaw ni direk, chill lang, hindi masyadong bright tulad ng ibang movies. Medyo makakaramdam ka talaga pero wala naman po akong sobrang nakakatakot na experience, thank God,” sabi pa ni Gerald.

Meanwhile, ibinahagi rin ni Gerald kung paano kinabahan at nanginig ang kanyang partner na si Julia sa kanilang love scene.

“Ay grabe! Sobra po siyang kinakabahan. Nagsa-sign of the cross siya, tapos hinahawakan niya ako ng mahigpit every ano… Mararamdaman mo talaga nanginginig siya, namumula siya. So, talagang ginagawa ko lahat para maging mas kumportable siya,” kuwento pa ng aktor.

Humanga rin daw siya sa pagiging magaling at professional actress ni Julia.

“Once na nag-scene na, once na nag-‘Action!’ talagang mas binigay pa nga niya. She’s only 19 tapos ‘yung role na binibigay sa kanya talagang napaka-challenging at medyo mature. Pero it’s a coming of age movie naman. Talagang ang daming hinigi sa kanya, pero binigay niya lahat,” very proud na sabi pa ni Gerald.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9

Leave a comment

Leave a Reply