May 23, 2025
Sue Ramirez prefers old-school type of romance
Latest Articles

Sue Ramirez prefers old-school type of romance

Aug 10, 2018

Para kay Sue Ramirez, mas preferred niya na personal na ligawan siya ng isang lalaki kung mabuti ang intensyon nito sa kanya.

“Ayoko ng text. Parang hindi ako nape-personalan sa text. Parang wala kasi siyang emotions, eh. Pag binabasa mo, hindi mo alam kung paano siya isinulat o kung paano siya sinasabi noong nag-send sa iyo. Mas maa-appreciate ko pa ang tawag kasi naririnig mo kung sinsero ang kausap mo., Minsan kahit tawag nga, hindi mo rin naman nakikita,” sey niya.

Gayunpaman, hindi raw niya hinuhusgahan ang mga taong ginagamit ang social media para magligawan o magpahatid ng kanilang intensyon sa babae o lalakeng tipo nila.

“No judgment naman sa iba. Marami akong kakilala, iyong ang pinsan ko, five years ago may nakilala siya online ngayon po, kasal na sila,” pagtatapat niya.

Hirit pa ni Sue, mas kinaiinggitan niya ang mga makalumang istilo ng panliligaw kumpara sa kasalukuyan.

“Ako ang kinaiinggitan ko, siguro. Nakakatawang may mga ganitong eksena sa movie. Ngayon kasi, ang dali-dali na lang magkonek sa mga tao, nagte-text lang siya o mag-i-skype, makikita mo na iyong taong gusto mong makita,” ani Sue.

“Pero sa pelikulang ito, malayo si Norma sa katotohanan. Siyempre, malayo siya sa city, pero nag-e-effort iyong mga taong nagmamahal sa kanya para puntahan siya kahit malayo iyong lugar nila, kahit walang signal sa pupuntahan nila para makita lang siya.

“Another thing, iyong sumusulat ng mga letters. Parang ngayon kasi, idi-DM ka lang ng may crush sa iyo. Doon talaga, pupunta ka pa ng post office papadala mo iyong sulat mo. Mag-aantay ka nang matagal bago mo matanggap.

“Sobrang fulfilling din ang pakiramdam. Siyempre, gustong-gusto ko ang nagre-reply. Gagawin mo rin iyon. Pupunta ka sa post office. Iyong effort mas nandoon, mas maraming effort ang naibibigay.

“Sa ngayon kasi, ang dali na lang, ite-text ka lang o idi-direct message noong tao, pero iyong effort na inilalagay nila, iyon ang nakakakilig,” paliwanag niya.

Pagbubunyag din ni Sue na bilang isang celebrity, hindi rin naliligtas sa mga bashers.

Huli siyang na-bash nang magpaputol siya ng buhok at nag-sport ng bagong look kung saan nagkomento ang isang netizen na mukha siyang tomboy.

Pero, ang mga ganitong mga pamba-bash sa kanya ay hindi na raw niya pinapansin.
Aminado rin naman siyang stressful ang buhay ng isang celebrity lalo na kung exposed ito sa social media.

“Allergic ako sa bashers. Allergic ako sa mga sinungaling.Wala akong allergy physically, walang akong allergy sa hipon or anything.Walang akong common allergy ng mga mga tao,” esplika niya.

Tungkol naman kay Joao Constancia, aminado si Sue na nanliligaw sa kanya ang simpatikong miyembro ng BoyBand.ph.

Gayunpaman, nilinaw niya na wala pa raw label ang kanilang relasyon.

Leading men ni Sue sa “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” sina Marcus Paterson at Jameson Blake.

fb_img_1533857190695

Kasama rin sa cast nito sina Boots Anson Roa, Yayo Aguila, Kiko Matos, Adriana So, Angellie Nicholle Sanoy at marami pang iba.

Palabas na ito simula sa Agosto 15 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Leave a comment