May 22, 2025
Sunshine Cruz settles issue with Cesar Montano’s ex Teresa Loyzaga
Latest Articles T.V.

Sunshine Cruz settles issue with Cesar Montano’s ex Teresa Loyzaga

Jul 6, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

630nppasunshinecruz-jpg_083615

Lately ay marami ang naiintriga tungkol sa mga lumabas na pictures ni Sunshine Cruz kung saan naka-two piece siya at sexy ang mga pose. Ano raw ba ang gusto niyang patunayan?

“Ang daming nagsasabi na ‘yung mga ibang mapang-intriga, sinasabi na I’m doing this para raw mapatunayan ko na kawalan daw ako,” reaksiyon ng aktres sa tanong ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

“Hindi. I’m doing this para mapatunayan ko sa mga tao, sa mga nanay na… not because meron kayong mga anak, magpapabaya na kayo. Ako, I have three kids. And it only means na kaya pa rin nating maging sexy or maging healthy at least,” paliwanag ni Sunshine.

“Kailangan maging healthy tayo kung gusto ninyong humaba ang buhay ninyo, maalagaan pa ninyo nang matagal ang mga anak ninyo kaya mahalagang maging fit tayo.”

e1c1c211e

Ang ex-husband niyang si Cesar Montano, ngayon ay open na tungkol sa girlfriend nitong si Sandra Seifert. May mga photos na lumalabas sa social media na magkasama ang mga ito na ang pinakahuli ay ang magkasamang panonood ng mga ito ng Ellen Degeneres show sa US.

Hindi raw ito apektado si Sunshine dito.

“Kering-keri!” nangiting sabi ng aktres. “E kung masaya siya e di good for him. Kasi ako, masaya na rin naman ako sa piling ng tatlo kong anak.”

Ang ikina-aalarma daw ni Sunshine sa ngayon ang ay kanyang eldest daughter na may mga umaaligid na umanong admirers.

“Maraming kuwento sa akin ‘yung thirteen year old ko. Minsan naa-annoy kasi maraming nagkaka-crush sa kanya. So sinasabi ko lang, ‘you have to tell me everything, okay? And if they continue to bug you, let me know… I will talk to them.’ It bothers her. Kinukulit siya like they tell her na… ‘I like you, yung mga ganyan.

Tapos hinahawakan siya sa kamay. Sabi ko nga hindi puwede iyon. Hindi ko kaya!,” tawa na naman niya.

How about her? Is she seeing anyone right now? Walang nanliligaw o nagpaparamdam sa kanya?
“Gusto ko munang matapos (ang usapin sa pagitan nila ni Cesar) at ma-annul ang kasal ko bago ako pumasok into another relationship. Kasi I will be unfair to the guy. Kasi people would judge us lang, ayoko naman ng ganun. And ang sa akin naman, as long as wala kang inaapakang tao, go! Di ba? If the person will make me happy and inspired, two years na naman akong mahigit na hiwalay, di ba? Pero sa ngayon, talagang wala pa talaga. Takot yata sila dahil sa marami akong pinagdadaanan!,” tawa ulit ng aktres.

Last two weeks na lang ng fantasy series ng ABS CBN na ‘Oh My G’ kung saan kabilang siya sa cast. Sobrang nagpapasalamat daw sila sa lahat ng sumuporta.

“Napakaganda talaga ng pagtanggap dito sa aming teleserye. Marami pang mga pagsubok ang darating kay Sophie [played by Janella Salvador]so abangan ninyo,” pagbibida pa ni Sunshine.

May pagka-kontrabida ang character niya sa ‘Oh My G.’ What is she learning from her role as Tita Lucy?

“Kasi dito si Tita Lucy noong una sobrang materialistic. Parang social climber. Tapos dumating ‘yung realization sa kanya na kahit na ang pera, marami… kung hindi galing sa ‘yo at hindi mo pinaghirapan, hindi ka pa rin magiging masaya. At hindi ka magkakaroon ng peace of mind. So I think iyon ang natutunan ko na money is not everything, you know. I think ang peace of mind talaga nakukuha ‘yan… pero mas okay talaga kung pagsisikapan mo ang pera.”

“And I’m just lucky na ‘yung mga napupunta sa akin na roles, ‘yung apat (sa magkakasunod na projects na ginawa niya kabilang na ‘yung sa ‘Oh My G’ at sa pelikulang “Just The Way You Are”) ay puro kid-friendly talaga. Kaya nga nakakatuwa na napapanood na ako ng lahat. 13 years akong nag-quit ng showbiz so ang mga nakakakilala lang sa akin before ay ‘yung mga kaedad ko or mas matanda sa akin. Tapos karamihan mga lalaki pa nga dahil nagpa-sexy ako before. Ngayon nakakatuwa na ‘yung mga bata, ‘yung mga maliliit na kaedad ng mga anak ko, nilalapitan ako. And they call me Tita Lucy. Nakakatuwa talaga!.”

Kamakailan lang din ay nagkausap na si Sunshine at ang ex girlfriend ni Cesar Montano na si Teresa Loyzaga kung saan nagkaroon sila ng anak, ang ngayong nag-aartista ng binata na si Diego Loyzaga. Nagkita ang parehong ex ni Cesar sa isang restaurant sa Tomas Morato. Mayroon silang common friend at ito ang naging tulay upang magkausap at magkaayos ang dalawa. Matapos nga nito’y nag-post si Sunshine sa kanyang Instagram account ng larawan nila na ikinatuwa naman ng mga followers ng aktres.

Sunshine only had good words for Teresa. “I admire her. Napakatalino niyang tao. Very appreciative ako sa kanya kasi hindi siya nakikisawsaw sa isyu namin ni Cesar. Kahit na nga napu-provoke na siya. Nanahimik lang siya at hinayaan niya na kaming dalawa lang ni Cesar ang magsalita.”

“She was also really very nice. Gusto ko, pagdating ko sa edad niya, ganun din ako ka-alaga sa aking katawan at ganun din ako kaganda,” pagtatapos ni Sunshine.

Leave a comment

Leave a Reply