May 23, 2025
Sunshine Dizon says, “mother roles are not an issue at all”
Latest Articles

Sunshine Dizon says, “mother roles are not an issue at all”

Jan 17, 2015

john@fontanilla

by John Fontanilla

sunshine dizon copy Nasa bansa na muli ang award-winning actress na si Sunshine Dizon kung saan ilang araw din silang nag bakasyon sa Hong Kong kasama ang kanyang buong pamilya.

Tsika nga ni Sunshine, “Masaya yung bakasyon naming family (Tim and two kids).

“Medyo naka-recharge na ako mula sa dami ng trabaho na ginawa ko lately.

“Kaya nakatulong din yung bakasyon namin kasi nakapag-recharge ako.

“Pero ang mas nag enjoy ay ang two kids ko na sina Doreen at Anton, kasi medyo malaki na sila kaya na-a-appreciate na nila yung mga lugar na pinuntahan namin.

“Back to work na ako ulit and hopefully magkaroon ako ulit ng regular soap since katatapos pa lang ng Starwberry Lane.

On the issue of mother roles, sabi ng actress, “Hindi na issue sa akin kung puro mother roles na yung binibigay na proyekto. Unang-una, nanay naman na talaga ako ng two beautifuls kids.

“Second, ngayon pa ba ako aarte sa pagtanggap ng proyekto eh sobrang padami ng padami na ang mga artista ngayon sa showbiz? Kung aarte pa ako baka wala na akong project na matatanggap.

“I know how sad kapag wala kang project dahil wala ka magawa at minsan na ring nangyari sa akin kaya everytime na may project ako, nagtatrabaho ako ng maayos para hindi ako mabakante.

“Masuwerte na nga ako kasi nandidito pa rin ako at hindi nawawalan ng proyekto.

“Kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA 7 kasi lagi nila akong binibigyan ng proyekto at hindi lang basta proyekto kung hindi magagandang proyekto.

“Kahit naman nung dati pa hindi ako choosy sa pagtanggap ng trabaho, kasi lagi kong iniisip na masuwerte na ako kasi nabibigyan ako ng project.

“Samantalang may ibang mga artista na gusto magtrabaho pero di nabibigyan ng trabaho.

Natanong namin kung how will it be kung magwo-work siya with ex-BF na si Polo Ravales, “Hindi naman problema sa akin yun kasi kaibigan ko naman siya at nakakatrabaho ko siya.

“Hanggang ngayon nakakatrabaho ko siya at okey naman yung working relationships namin dahil katulad ng sabi ko magkaibigan kami.

“And even yung ibang naging bf, ko willing naman akong makatrabaho sila, past is past iba na ngayon matured na kami at meron naman akong sariling pamilya.

Asked about being a hands-on mommy, “Kahit na nagtatrabaho ako gusto ko ako pa rin ang mag aasikaso ng mga kailangan nila, like bago ako umalis inaayos ko na lahat.

“At kapag wala akong taping kasama ko lang yung mga anak ko, bale yun yung bonding time namin.

“Iba kasi kapag ikaw yung nag aasikaso sa mga anak mo kahit may yaya sila.

“Kaya nga hindi ako masyadong tumatanggap ng maraming proyekto, okey na sa akin ang isa para mas maalagaan at maasikaso ko pa ang pamilya ko.

Nang tanungin naman tungkol sa pagpasok ng mga anak nila sa showbiz, hindi daw aprubado kay Sunshine na mag-artista ng bata ang mga anak niya.

Dagdag pa niya, “Naku siguro mas maganda na mag aral na lang muna sila, even yung Daddy nila, si Tim, di rin agree na pumasok sa pag-a-artista yung mga anak namin especially ngayon bata pa sila.

“Mas gusto namin na mag focus muna sila sa pag aaral at kapag graduate na sila sa college, puwede na.

“Alam naman namin na hindi imposible na makahiligan din nila ang mag artista lalo na’t artista ang mommy nila, yun kung may right time para doon.

“Hindi naman namin sila pipigilan, basta mag-aral lang muna sila ng mabuti at grumadweyt para payagan namin sila,” pagtatapos ni Sunshine.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply