
Superstar Nora Aunor gets praises from ‘Onanay’ cast, director
IPINAGMAMALAKI ng Kapuso Network ang natatanging pagganap ng nag-iisang Superstar Nora Aunor sa isang seryeng magsisilbing inspirasyon sa mga manonood ang “Onanay.”
Buhay na buhay ang naganap na presscon last July 26 dahil sa presence ng Superstar na talaga namang walang kakupas-kupas. Hindi binigo ni Nora ang lahat ng Noranians sa kanyang pagbabalik telebisyon.
Super excited ang lahat dahil bibigyang buhay ng magaling na aktes si Nelia. Kwento ng isang ina na lalaban para sa kanyang mahal sa buhay. Damang-dama ang pagganap ni Nora kahit sa trailer pa lamang.
Kung may dapat abangan sa “Onanay,” ito ay ang hindi matatawarang husay ni Nora sa pag-arte. Dahil sya ang patunay ng isang totoong artista.
Proud na proud si Ate Guy sa kanyang serye dahil kakaiba ito at totoong kwento na may maiiwang lessons sa mga manonood.
Makakasama ng Superstar ang magaling na aktres na si Cherie Gil na sinabing kakaibang experience na naman ang makasama sa isang serye ang isang Superstar. Inaabangan din ang banggaan ng dalawang mahusay na aktres sa serye. Kahit hindi pa nababasa ang script, hindi nagdalawang isip si Cherie Gil na tanggapin ang role dahil si Nora ang kanyang makakasama.
All praises ang cast ng serye kay Nora. Lahat natuwa nang malamang si Nora ang kanilang makakasama. Talagang well-loved si Ate Guy and she’s deserving na humakot pa ng maraming awards.
Truly an ICON itong si Ate Guy dahil kahit sa modernong panahon ay patuloy ang kanyang pamamayagpag.
Ang “Onanay” ay galing sa pangalan ni “Ona” at salitang “Nay.” Dugo’t laman ang magdudugtong sa dalawa sa paglaban sa hamon ng buhay. Ang magpapahirap sa kanila ay ang karakter ni Cherie Gil.
Isang mahusay na aktres ang nagbigay kulay at nag direk ng “Onanay.” Ito ay si Gina Alajar na puro papuri sa movie icon.
Hindi nagkamali ang GMA Network sa pagpili sa lahat ng cast dahil alam naming bibigyan nila ng hustisya ang karakter na kanilang ipoportray.
Maswerte ang Kapuso dahil nasa bakuran nila ang Superstar. Inaasahang ang seryeng ito ang magpapaiyak sa inyong gabi. Saludo rin kami sa sense of artistry ni Ate Guy dahil sa kabila ng pagbabago ng mundo, ay nananatili syang totoo sa kanyang craft at sarili.
Handog ng GMA, sa direksyon ni Gina Alajar, abangan ang “Onanay” sa August 6 sa GMA Telebabad.
This is a must-see serye!