May 23, 2025
Superstar Nora Aunor, proud of her film “Kabisera”
Featured Latest Articles

Superstar Nora Aunor, proud of her film “Kabisera”

Dec 13, 2016

Nakaka-relate ang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang role sa pelikulang ‘Kabisera‘ na kalahok sa 2016 Metro Manila Film Festival na idinirehe nina Arturo San Agustin at Real Florido.

Kahit naman noong bata pa ako hanggang sa mamatay ang mga magulang ko, ako na ang tumayong kabisera o padre de pamilya namin. Ako iyong nagde-desisyon o kadalasang nagde-desisyon para mga kapatid ko at sa pamilya ko at isa siyang mabigat na responsibilidad”, aniya.

 

Ayon pa kay Guy, tulad ng kanyang ginagampanang karakter, siya man ay dumaan sa mga pagsubok sa buhay.

Siyempre, may mga pagsubok pero siguro iyong mga pagsubok na iyon ang nagturo sa atin para mas maging matatag at magpakatatag tayo para sa  mga mahal natin sa buhay”, makahulugan niyang pahayag.

 

Papel ni Mercy, isang simpleng maybahay na ang buhay ay nabago nang isang trahedya ang mangyari sa kanyang pamilya. Siya ang tatayong kabisera ng pamilya para buuin ang kanyang pamilyang nawasak ng trahedya.

Happy din si Ate Guy dahil reunited siya sa pelikula sa isa sa paborito niyang leading men: ang award-winning actor na si Ricky Davao.

Naalala ko nga,panahon pa ng “Rock and Roll”  at mga pelikulang iprinudyus ko noon sa NV Films, kasama ko na siya, kaya ang sarap ng pakiramdam na muling makasama siya”, ani Ate Guy.

kabisera

Si Ricky ay huli niyang nakasama niya bilang director sa teleseryeng ‘Little Nanay‘ ng GMA-7.

Dagdag pa ni Ate Guy, masaya rin siya na makatrabaho ang mga bagong actor ng henerasyon ngayon tulad nina Jason Abalos, (best actor, Endo), JC de Vera (best actor, Best Partee Ever), RJ San Agustin at Alex San Agustin na lumalabas na mga anak  niya sa pelikula.

Iba rin iyong karanasan dahil kailangan mo ring makilala iyong mga actors natin ngayon at makikita mo rin naman iyong pagmamahal nila sa ginagawa nila”, sey ng Superstar.

 

Nilinaw din ni Ate Guy, na bagamat may tinatalakay tungkol sa extra-judicial killings, hindi raw ito partikular sa panahon ngayon.

Kahit naman noong unang panahon, kahit sino pa ang presidente o kung sino ang nakaupo, may mga ganito nang nangyayari dahil ang kuwento nito ay nangyari sa tunay na buhay”, paliwanag niya.

 

Optimistic naman si Ate Guy na magiging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa mga kalahok na pelikula sa MMFF ngayong taon, kahit sabihin pang pito rito ay pulos indie at isang produced ng isang major network.

Noon namang araw, walang indie at mainstream. Pag sumasali ka ng filmfest, iisa lang talaga siya”, depensa niya.

kabisera-poster

Excited din si  Ate Guy dahil  pawang mga de-kalidad na pelikula ang mga kasali ngayong taon.

Ito kasi iyong mga klase ng pelikulang ginagawa namin noon tulad ng ‘Bona’, ‘Tatlong Taong Walang Diyos’ at  ‘Ina Ka ng Anak Mo’,”.

 

Pahayag pa ni Ate Guy, dalawang beses na niyang napanood ang ‘Kabisera’ at ito iyong tipo ng pelikulang ipinagmamalaki niya.

Sa tagal ko na sa pelikula, bihira akong umiyak sa mga napanood ko. Dalawang beses ko na siyang napanood at talagang tinamaan ako dahil may kurot siya sa puso lalo na’t malapit siya sa isang inang tulad ko”, pagwawakas ni Ate Guy.

 

Kabituin din sa pelikula sina Kiko Matos, Karl Medina, Coleen Perez, Victor  Neri, Rhen Escano, Ronwaldo Martin, Perla Bautista, Ces Quesada at marami pang iba.

Ang ‘Kabisera‘ ay mapapanood na sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.

Leave a comment