
Supreme Court ruling is a vindication for President-Mayor Estrada – Vice Mayor Isko
Kaugnay ng isinagawang pagbisita ng ilang showbiz press kabilang na ang Philippine Showbiz Republic (PSR) kay Manila Vice Mayor Isko Moreno nung unang linggo ng Enero, ngayon naman ay ang nagkatotoong hangarin ni Vice Mayor para kay President-Mayor Erap Estrada at sa mga Manilenyo.
Sa naunang report ng PSR, mas magiging tuloy-tuloy ang pagsulong ng Maynila sa pangunguna ni President-Mayor Erap at Vice Mayor Isko dahil kamakailan lamang ay tuluyan ng ibinasura ng korte suprema ang diqualification case laban kay President-Mayor Erap sa boto na 11-3.
Sa press conference, sinabi ni SC spokesperson Theodore Te na,
“The majority characterized the pardon extended by [former President Gloria Arroyo] to Mr. Estrada as an absolute pardon, thereby restoring Mr. Estrada’s qualifications to stand as candidate for mayor in the last elections.”
Sa kaugnay na balita, tinuran ni Vice Mayor Isko sa report ng ABS-CBNnews na, “Kami po, sampu ng mga kasama ko sa konseho ay lubos na nagagalak sa naging desisyon ng ating korte suprema. Muli pong nanaig at pinakinggan ang mandato ng mga Manilenyo at hindi ginawang usaping teknikal o legal lamang,”
Ayon pa sa report, binanggit ni Vice Mayor Isko Moreno na, “Ito ay bindikasyon kay Pangulong-Mayor Erap na inihalal sa isang malinis at parehas na halalalan.”
Dagdag pa ni Moreno na handa na silang mag-move on at, “look forward for a better tomorrow for the greatest number of Manilenyos.”