May 23, 2025
Sylvia is a bully mom, gets serious on ‘Hanggang Saan’ set
Latest Articles

Sylvia is a bully mom, gets serious on ‘Hanggang Saan’ set

Nov 17, 2017

Matapos siyang mahalin ng sambayanan bilang Gloria sa “The Greatest Love,” muling matutunghayan ng mga manonood si Sylvia Sanchez sa pagbibigay-buhay niya kay Sonya, sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na “Hanggang Saan.”

Dito ay gumaganap siya bilang isang matapang na nanay na kayang gawin ang lahat ng sakripisyo para sa dalawang anak na ginagampanan nina Yves Flores at Arjo Atayde.

Ito ang first time na nakatrabaho nya ang kanyang anak na si Arjo.

Sa presscon ng Hanggang Saan, tinanong si Sylvia kung anong advantage ng pagganap ng isang role na ginagampanan niya rin sa totoong buhay.  Na kung madali ba ‘yun o kailangan ng konting adjustment.

Sagot ni Sylvia, “Actually, madali for me. Kasi ‘yung hugot ng mga emotions, pag malungkot o pag may mga nangyayari sa kanya, madali for me. Kasi kahit ‘yung role niya bilang si Paco, once nakita ko siya, pumapasok sa akin na, alam nyo ‘yun.Nakakadagdag ‘yung pagiging anak ko siya sa totoong buhay. ‘Yun ang naging advantage.

“Nagiging disadvantage naman sa amin, kasi ako ‘yung nambu-bully sa set. Binu-bully ko siya. Kasi inglisero siya. Kapag nagkamali siya sa mga eksena namin, dahil tagalog ‘yung mga dialogue niya, sinasabi ko sa kanya, “Ayan English pa more!” Niloloko ko siya sa pag-i-english niya lagi. Tapos tinitingnan niya lang ako. Pero siyempre, seryoso kami. Pag may eksena kami, seryoso.

“Pag nasa bahay kami, lagi kong sinasabi sa kanya na magtagalog siya ng magtagalog para mas mahasa siya. At  lagi ko ring sinasabi sa kanya na dapat abutin niya ‘yung televiewers ng puso niya.”

Na ang ibig sabihin ni Sylvia, dapat matutong makisama ang kanyang anak

Ano ang kaibahan ng role niya bilang si Sonya sa Hanggang Saan sa role niya bilang si Gloria sa The Greatest Love?

Ang kaibahan, pinag-aralan ko talaga, kasi alam ko masyadong mataas, masyadong strong ‘yung Gloria, nakatatak na ‘yun mula sa bata hanggang sa mga lola.

So ang ginawa ko, binago ko lahat, ‘yung lakad, ‘yung atake, ‘yung klase ng pag-iyak.

“At the same time, humingi rin ako ng tulong sa direktor ko which is Direk Mervyn (Brandial), kasi siya rin ‘yung director ko sa The Greatest Love. Sabi ko “Direk pag gumo-Gloria ‘yung atake ko, please lang paki-korek.”

Sobrang successful ngayon si Sylvia sa kanyang career.  Hindi lang siya sa telebisyon visible kundi maging sa pelikula. Anong feeling na sobrang blessed siya ngayon?

“Sobrang masaya,” sagot ni Sylvia

“Wala akong ginagawa, kundi araw-araw sa totoo lang, paggising ko tuwing umaga, lagi kong sinasabi, ”Thank you Lord! Kung ano man ‘yung plano mo sa akin, You will be done. Ganun lang palagi.”

Kasama rin sa Hanggang Saan sina Ariel Rivera, Maris Racal, Marlo Mortel, Sharmaine Suarez, Maila Guimila at marami pang iba.

Mapapanood na ito simula sa November 27 sa ABS-CBN 2 pagkatapos ng Pusong Ligaw.

Leave a comment