May 22, 2025
Sylvia Sanchez praises younger co-stars in ‘Pamilya Ko’
Latest Articles

Sylvia Sanchez praises younger co-stars in ‘Pamilya Ko’

Aug 30, 2019

Balik-teleserye ang magaling at award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya teleseryeng “Pamilya Ko” under RSB unit. 

Ayon pa kay Sylvia, panibagong hamon sa kanya ang role bilang nanay ng Mabunga family sa kaabang-abang na serye.

“Kakaiba ito kasi isa siyang malaking pamilya tapos this time naman may asawa ako umpisa pa lang. First time ko ring magkaroon ng teleseryeng may other woman na makakalaban ako,” lahad niya. 

Hirit pa niya, may light moments din daw ang TV series lalo pa’t ang magaling na comedian na si Joey Marquez, ang pumapapel bilang asawa niya.

Bukod kay Joey, bilib din siya kina

JM de Guzman at sa iba pang miyembro ng cast na gumaganap na mga anak niya sa “Pamilya Ko.”

“Si JM, no doubt about it na magaling talaga siya. Siya iyong anak ko na iba kung magtanggol sa akin dahil madiplomasya siya. I can say this is JM’s best teleserye,” aniya.

“Si Kiko naman at si Maris, palaban sila pero ito lang ang sasabihin ko, dito sa teleseryeng ito, aangat lahat ng mga anak ko. Ang gagaling nila,” dugtong niya. 

Nakaka-relate rin siya sa kanyang role dahil sa tunay na buhay ay isa siyang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak. 

“Iba’t-iba ang mga karakter nila. Halos lahat naman sa kanila, mababait dito pero may mga time lang na pasaway sila,” sambit niya. 

Naniniwala rin siyang sa isang pamilya ay hindi nawawala ang black sheep o tupang ligaw pero itinuturing niyang mapalad siya dahil may disiplina ang kanyang mga anak.

“Ang mga anak ko naman, walang black sheep na ganoong sobra. Siyempre ang mga bata naman minsan… kahit noong bata ako, nagkakamali rin ako. Ini-expect ko sa lahat ng mga anak ko na magkamali. Lahat naman tayo nagkakamali. Para sa akin naman, pag nagkamali ka, tumayo ka, move on, ayusin mo ang buhay mo dahil doon tayo tumatatag. Doon tayo natututo. Doon, nabubuo ang pagkatao mo,” pagtatapos niya. 

Palabas na mula sa Setyembre 9 bago mag-TV patrol, tampok din sa Pamilya Ko sina Joey Marquez, Rosanna Roces, Irma Adlawan, JM de Guzman, Arci Munoz, Maris Racal, Kira Balinger, Alyssa Muhlach, Mutya Orquia, Jairus Aquino, Kim Yambao, Raikko Mateo at Kiko Estrada.

Leave a comment