May 23, 2025
‘Tadhana’ season 3 to unlock more interesting stories
Latest Articles

‘Tadhana’ season 3 to unlock more interesting stories

Nov 5, 2020

Ngayong Nobyembre, sa 3rd Anniversary Special ng award-winning GMA drama anthology series na ‘Tadhana,ihahatid ng host nito na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang mas malaking maleta ng mga kuwentong naglalaman hindi lang ng mga totoong paglalahad ng pakikipagsapalaran, pag-asa, pagkabigo, at pangarap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Aabangan din ang mas kapana-panabik at mas marami pang kuwento ng pagpupunyagi, pagsubok, at tagumpay ng mga karaniwang Filipino na kapupulutan ng inspirasyon at aral ng mga manonood.

Sa Nobyembre 7 at 14, tampok ang two-part episode na “The One That Ran Away.

Nakatakda na sanang ikasal si Hannah sa arkitektong si Carlo pero hindi sinasadyang magku-krus muli ang landas nila ni Jared, ang substitute wedding photographer ng prenup photoshoot nila. 

Anong mahalagang papel ang ginampanan ni Jared sa buhay ni Hannah na hindi pa pala natatapos at naisasara? 

Mapapanood dito sina Kim Molina, Paolo Contis, Edgar Allan Guzman, Dave Bornea, at Didong.

Susundan naman ito ng “55 (Hindi pa Huli ang Umibig)” na mapapanuod sa Nobyembre 21 at 28.

Tampok dito ang kuwento ng may-edad nang si Cordelia at ang misteryoso at nakababatang binata na si Ramil na susubok muling magpatibok ng puso ng ‘forever’ biyuda. 

May sisibol nga kayang ‘May-December’ na pag-ibig sa dalawa kahit sa panahon ng pandemya? Pagbibidahan nina Cherie Gil, Jon Lucas, Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez, at Cecil Paz ang nasabing episode.

Ang month-long 3rd anniversary special ng Tadhana ay mula sa direksyon ni Rember Gelera.

Mapapanuod ang bagong ‘Tadhana’ tuwing Sabado, bago ang Wish Ko Lang! sa GMA Network. 

Leave a comment