
“Take it slowly. You keep rushing.” – Bimby’s birthday message for his mom
Special ang episode ng ‘Aquino and Abunda Tonight’ kagabi, February 12 dahil birthday celebration ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Halatang excited si Kris dahil alam niyang pinaghandaan ito ng kanyang A&A family para mapasaya siya sa kanyang special day. Sabi naman ng King of Talk na si Boy Abunda, mahirap daw regaluhan ang gaya ni Kris kaya pinag-isipan daw nilang mabuti ang kanilang ihahandog dito sa kanyang kaarawan.
Unang handog ni Boy ay ang singing telegram kung saan ay may dala itong bouquet of flowers at may handog itong kanta na ‘I’m Ready To Take a Chance Again’. May gift si Boy na isang red Roland Mouret dress para sa best friend.
Naaliw din si Kris sa bigay ng staff na mga t-shirts para sa kanya na may mga hashtag at isang birthday card na may mga mensahe ng bumubuo ng kanilang programa.
Sobrang thankful si Kris sa lahat ng sorpresa sa kanya lalo na kay Boy na pinakamatagal na niyang naging karelasyon bilang matalik na kaibigan. Nagpasalamat din siya sa mga kapatid na sobrang hinahangaan niya at gusting gayahin.
At nang mag-blow siya ng cake ay ang naging wish niya ay ang bigyan pa ng mahabang buhay si Boy kaysa sa kanya. Tuwing gabi raw ay kasama si Boy sa kanyang mga dasal. Parehong naging emosyonal dito sina Kris at Boy.
Pagkatapos nito ay ipinakita naman ang special video na inihanda ng A&A kung saan ay bumati ang dalawang espesyal na lalaki sa buhay ni Kris, ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.
Tuwang-tuwa at halos maiyak si Kris habang pinapanood ang video ni Bimby na nagbigay ng three heart-warming love tips ang bagets para sa kanyang Mommy Kris. Bibong-bibo at feel na feel ni Bimby ang pagbibigay ng message sa kanyang ina.
Ang unang tip ni Bimby for his mom ay, “Take it slowly. You keep rushing.”
Ang pangalawang love tip naman ni Bimby ay, “Know the guy better than yourself” na ayon kay Bimby ay importante raw na kilalanin ni Kris nang mabuti ang ugali ng lalaking mamahalin niya.
Pangatlo ay, “Love yourself more” na binigyan pa ni Bimby ng mathematical percentage na mahalin ni Kris ang kanyang sarili ng 100% at magbigay lang ng 80% ng pagmamahal sa lalaki. Sinabi din ng bagets na dapat unahin ng kanyang mama ang kanyang sarili, isunod sila ng kanyang Kuya Joshua Aquino at ipanghuli lamang ang lalaki.
Pinasabog din ni Bimby ang mga heart balloons while saying, “Mom, I saw your heart broken like this.” Pero pangako ni Bimby sa kanyang mommy, “No matter how many times your heart gets broken, I will rebuild it so that it will be whole again.”
Sinagot naman ito nang umiiyak na Kris at sinabi nito kay Bimby na hindi niya kayang magmahal ng lalaki ng 80% lang ang ibinibigay, dahil kapag nagmahal daw siya ay ibinibigay niya ang 100%. Mali din daw ang order of importance ni Bimby kasi ang una sa buhay niya ay si Bimby at Joshua, pangalawa ang “guy” at panghuli ang kanyang sarili. Pahabol pa ni Kris, “and if that guy doesn’t want to come along, okay lang, kayo na lang ni Kuya.”
Pagkatapos ay si Josh naman ang naghandog ng kanyang piano piece. Tinugtog nito ang paborito niyang ‘Somewhere Down the Road’ at talagang super-touch at cry si Kris dito. At bumati na ang dalawa ng Happy Birthday kay Kris sabay sabi ngh “I love you Mama”.
After nu’n ay nag-comment na si Kris sa message sa kanya ng anak, “Bimb, you know naman mama kapag nag-love hindi kayang 80 percent, kailangan a hundred percent. Pero tama kayo, kayo parati ang mauuna, and mali ‘yung order mo! It’s you and Kuya, it’s whoever that guy will be, and it’s me just number three. You and Kuya will always be number one. That other guy, if he doesn’t come along, okay na. I have the two of you,” sabi ni Kris.
Nagpasalamat din si Kris sa mga manonood na naging bahagi ng buhay niya “through the ups and the down, through the tears and the laughter.”
Samantala, sa post din ni Kris sa kanyang IG account ay sinabi nitong ang bago niyang website ay ilo-launch sa kanyang birthday on February 14. Dito ay makikita raw ang lahat ng request sa kanya ng fans gaya ng detailed recipes and my cooking videos, #ootd, makeup, books na kanyang binabasa, prayers, devotionals, daily Bible verses, family travel at lahat ng nilalaman ng kanyang puso at isipan.
Dagdag pa nito sa kanyang post, pag-uwi raw niya ng bahay ay maraming gifts pa siyang natanggap mula sa mga nagmamahal sa kanya.
To Kris, Happy, Happy Birthday from your Philippine Showbiz Republic (PSR) family!
Follow me…
Mary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9