May 22, 2025
Talent manager Len Carillo sues former Clique 5 talents
Showbiz Insights

Talent manager Len Carillo sues former Clique 5 talents

Nov 19, 2018

Pumalag ang talent manager na si Len Carillo dahil sa pagiging pasaway ng dating Clique 5 member na si Rocky Rivero.

Nahaharap sa asunto ang dating crooner ng grupo kasama ang kapatid nitong naging miyembro rin ng fast rising all-male group.

Ayon kay Len, pinadalhan na niya ng demand letter si Rocky para isoli ang mga nai-advance nito sa kumpanya samantalang ang kanyang kapatid ay kinasuhan ng breach of contract.

Nag-ugat ang reklamo kay Rocky dahil sa pagiging unprofessional umano nito at  hindi pagsipot sa mga shows at  pagiging late sa mga rehearsals ng Clique 5.

Hindi na rin ito nagparamdam sa kumpanya pagkatapos ng bakasyon nito sa ibang bansa.  

Dahil dito, napuno na ang mabait na talent manager kaya naman naghain na siya ng reklamo para hindi ito magandang ehemplo sa kanyang mga kasamang talents sa 3:16 Talents and Events.

Dagdag pa ni Len, nagtangkang makipag-usap ang  kampo ni Eocky, subalit hindi  ito sumipot sa kanilang usapan.

Aminado rin si Len na nahirapan silang i-manage si Rocky dahil sa attitude nito pero binigyan pa rin daw nila ito ng pagkakataon dahil  patunayang karapat-dapat siya sa pagtiitiwala ng talent management.

Hirit pa niya, willing din daw siyang i-release si Rocky provided na maibabalik nito ang lahat nang nagastos ng kumpanya sa pagbu-build up dito na kung tutuusin ay binigyan pa ng bonggang birthday party at regalong bakasyon sa Australia. 

Gayunpaman,sa kabila ng masaklap na karanasan, hindi pa raw titigil si Len sa pagtuklas ng mga bagong talino.

Katunayan, naghahanda na ang kanyang 3:16 Talents and Events sa back to back concert ng  Clique 5 at Belladonas sa Pebrero sa Skydome.

Leave a comment