May 23, 2025
Talent manager Noel Ferrer stays as MMFF execom member; GMA gives Sanya Lopez a big break
Latest Articles Rodelistic

Talent manager Noel Ferrer stays as MMFF execom member; GMA gives Sanya Lopez a big break

Jul 4, 2017

IBA na ang tunog ngayon ng talent manager na si Noel Ferrer hinggil sa nauna nang desisyon ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival para sa pagbabago na gusto nilang ma-achieve. Wala na ‘yung sinasabi niyang magandang nasimulan ng  MMFF noong nakaraang taon.

Nakapili na kasi ng apat na kalahok para sa darating na film festival ngayong Disyembre at nagkaroon agad ito ng alingasngas.

Bumitaw  bilang miyemro ng MFFF execom sina Rolando Tolentino, Ricky Lee, Kara Magsanoc Alikpala matapos mai-anunsiyo ang mga pelikulang ‘Ang Panday’ ni Coco Martin, ‘Almost Is Not Enough’ nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales, ‘The Revengers’ nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach at ‘Love Traps #Family Goals’ nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Malinaw na hindi nagustuhan ng tatlo ang naging desisyon at sabi nga ay nanindigan sila sa kanilang naumpisahan na pagbabago sa MMFF.

Marahil, para sa kanila taliwas ito at mas maganda na nga lang na mag-resign sila kesa naman magpapatuloy pa na labag naman sa kanilang damdamin at hindi magiging masaya sa kanilang gagawin bilang mga miyembro ng executive committee.

Going back to Noel, natatandaan namin sa kasagsagan ng kontrobersiya at intriga sa nagdaang MFFF ay nainterbyu pa namin siya sa aming radio program na “Showbiz Galore” sa 8Trimedia DZRJ.

Kaniyang tinuran na ipagpapatuloy ang kanilang naumpisahan.

Masaya pa nga niyang ikinuwento na satisfied ang bumubuo ng nakalipas na film festival at iyun na raw ang simula ng malaking pagbabago.

Kungsabagay, hindi rin naman masisisi si Kapatid na Noel kung sumabay siya sa agos dahil puwedeng maimpluwensiyahan siya ng iba niyang kasamahan na nasa likod ng MMFF.

But of course, tinandaan namin ang mga sinabi niya sa interview namin sa kaniya sa radyo sa mga gusto nilang mangyari na malaking pagbabago sa taunang pista ng Pelikulang Pilipino. Alam naming natatandaan ito ng aming kaibigan.

Hindi namin sinasabing magresign siya tulad ng mga tatlong nagbitiw na pero gusto naming marinig naman ang sarili niyang pananaw kung bakit kailangan niyang manatili na miyembro ng Execom ngayong ang gusto nilang pagbabago ay tila mababago na at hindi tugma sa kanilang panlasa at naumpisahan noong nakaraang taon. Magpaliwanag ka kapatid.

At wala namang masama sa  commercial films pero sana malinaw ang patakaran at criteria kung sakop pa ba ang sinasabing global at  kuwalidad na pinagdidiinan sa malaking pagbabagong gustong mangyari?

Kung sa kikitain lang pala ang patutunguhan nito aba e dapat malinaw ito noon pa para wala nang magiging problema.

*******************************************

Happy kami para kay Sanya Lopez dahil binigyan na siya agad ng Kapuso Network ng malaking proyekto pagkatapos ng Encantadia.

Photo from Sanya's instagram account
Photo from Sanya’s instagram account

Nagbunga na rin ang pagsisikap ng alagang ito ng aming mga kaibigang sina Frank Millari at Alvin Fortuno.

Tulad ng alaga nilang si Jak Roberto na kapatid ni Sanya ay unti-unti nang nakikilala ang isa sa mga sanggreng hinangaan sa matagumpay na programang Encantadia.

Mapapanood ang dalaga sa bagong teleseryeng panghapon ng GMA 7 at ito ay ang Haplos na kung saan ay kabituin niya ang napapabalitang diumano’y boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Masusubukang muli ang kagalingan ni Sanya sa pag-arte sa bagong palabas na ipinamalas niya dati sa  pantaseryeng Encantadia.

Hinog na nga siyang maituturing at ito na ang simula ng paglaki ng kaniyang pangalan.

Leave a comment