
Talent manager Shandii Bacolod returns to acting
Bilang producer at talent manager , malawak ang karanasan ni Shandii Bacolod sa pag-a-attend sa mga international film festivals abroad.
Isa rin siyang jetsetter at isang fashionista na hindi nahuhuli sa uso.
Nai-represent na rin niya ang kanyang mga talents sa MSB tulad ng award-winning actress na si Mercedes Cabral sa mga foreign producers kung saan humataw at patuloy itong humahataw sa international scene.
Ngayon naman, balik-akting siya sa pelikulang “Best. Partee. Ever” kung saan major ang kanyang role bilang Chubyonce , isang battered gay na nakulong pagkatapos mapatay ang kanyang malupit na ama.
“Actually, it was our producer, Larry Castillo who convinced me. Three years ago, naghahanap talaga ang direktor naming si Howard nang gaganap ng Chubyonce. Sabi niya, tailor made raw sa akin. Dahil kaibigan ko siya, tinanggap ko. The same happened when I did “Red” for Cinemaone, kaibigan ko iyong director at gusto ko ring maka-work si Jericho,” lahad niya.
Ayon pa kay Shandii, ayaw daw naman niyang karerin nang bonggang-bongga ang pag-arte.
“I have done films and teleseryes before pero I realized na hindi ko kaya iyong taping kung saan magre-report ako ng umaga pero makukunan na ako nang kinabukasan. May mga projects din akong na-turn down dahil besides producing I am managing talents and events.”
Itsinika rin si Shandii na sa trabaho niya ay malaking factor ang pakikisama sa mga kasamahan sa showbiz.
“Sometimes you do things for the love of… for the love of your friend, you talent or your project. Would you believe na I used to be an acting coach at si Mercedes (Cabral) ay naging estudiyante ko. From Brillante Mendoza, kinuha ko siya as a talent and the rest is history,” aniya.
Bilang paghahanda sa kanyang role, nag-aral si Shandii na magsalita ng Bisaya.
“Nanood ako ng Youtube kung paano magsalita ang Bisaya. Although, may mga kamag-anak ako from Visayas, hindi ako fluent na magsalita ng kanilang dialect. Paulit-ulit siya hanggang sa nakasanayan ko na ang kanilang accent,” kuwento niya.
Aminado rin si Shandii na nahirapan siya sa ilang mga eksena sa “Best. Partee. Ever” particularly iyong riot scene sa pelikula.
“Iyong eksena namin ni Xixi (Maturan), nagsabunutan talaga at nagkapisikalan kami pero dahil kailangan para maging realistic, I have to do it,” paliwanag niya.
Proud din si Shandii na nagkaroon siya ng pelikulang of festival quality tulad ng “Best. Partee. Ever” na kalahok sa 4th Quezon City International Film Festival .
Bukod sa QCinema, balak nila itong ipalabas at isali sa mga film festivals abroad.
Puring-puri rin niya ang Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ni Liza Dino-Seguerra dahil sa malasakit nito sa local film industry.
Katunayan, ang short film na “Supot” na kanyang ini-represent at nagtatampok kina John Arcilla, Mercedes Cabral at Andrei Fajarito ay nagkaroon ng world premiere sa Wide Angle: Asian Short Film Competition Section ng Busan International Film Festival sa tulong ng FDCP.
“We are thankful for their support. Malaking boost sa aming mga filmmakers iyong libreng airfare at accommodation namin to attend the festival in Busan courtesy of FDCP. Sana, magkaroon din ng financial grant sa pagpro-produce ng mga pelikula tulad sa ibang bansa like Denmark at sana matulungan din tayo na mai-market at mai-lobby ang mga pelikula natin abroad tulad sa Oscars,” pagtatapos niya.
Wish din ni Shandii na dumating ang araw na maraming Pinoy films ang maipalabas sa bansa kumpara sa mga Hollywood films na nagdo-dominate ng market.
Tampok din sa “Best. Partee. Ever” sina JC de Vera, Mercedes Cabral, Kristoffer King, Jordan Herrera, Aaron Rivera, Tony Fabian, Acey Aguilar, Angela Cortez, Catalina Surio, Odette Khan, Jerome Zamora, Xixi Maturan, Archie del Mundo at marami pang iba.
Mula sa direksyon ni HF Yambao at sa panulat ni Honey Alipio, ang “Best. Partee. Ever” ay kalahok sa Circle Competition ng 4th Quezon City International Film Festival ngayong Oktubre.