May 21, 2025
Talk ‘n’ Text wins against Rain or Shine Elasto Painters on Game 7 Philippine Commissioner’s Cup 2015
Sports

Talk ‘n’ Text wins against Rain or Shine Elasto Painters on Game 7 Philippine Commissioner’s Cup 2015

May 1, 2015

by Dan Lester Balingit

pba

Nagwagi ang Talk ‘n’ Text Tropang Texters laban sa Rain or Shine Elasto Painters’ sa puntos na 121-119 noong Miyerkules, April 29, 2015. Ito ang kauna-unahang finals game kung saan nagkaroon ng ‘double overtime’ sa history ng Philippine Basketball Association (PBA).

Hindi matatawaran ang dedikasyon at husay na ginawa ng dalawang koponan. Ngunit sa bandang huli ay laging mayroong mas magaling na mamayagpag at nananalo. Pinangunahan nila Ivan Johnson (Import), Jason Castro (Best Player of the Conference), at team captain na si Ranidel De Ocampo (Most Valuable Player) ang pagpuntos sa Talk ‘n’ Text para makuha ang tropeyo sa nasabing palaro.

Hindi makakamit ng Talk ‘n’ Text ang kampyonato kung hindi dahil sa sikap, tiyaga, dedikasyon at sa tulong ng kanilang coach na si Jong Uichico na nagkamit ng kauna-unahang kampyonato sa Talk ‘n’ Text bilang coach. “The boys won the game because they made the big shots and they made the big stops,” sabi ni coach Jong Uichico.

Kahit hindi na naglalaro para sa nasabing koponan, masaya pa rin ang dating team captain at ngayo’y team manager na si Jimmy Alapag sa pagwawagi ng Talk ‘n’ Text team. “So proud of all the fellas! One of the toughest, and most competitive final series I’ve ever seen” pahayag nito sa kanyang Instagram account.pab 1

The Scores:
TALK ‘N TEXT 121 – De Ocampo 34, Johnson 30, Castro 24, Fonacier 12, Washington 10, Carey 9, Rosser 2, Alas 0, Miller 0.
RAIN OR SHINE 119 – Lee 38, Chism 34, Tiu 10, Uyloan 8, Ibanes 8, Norwood 6, Arana 5, Cruz Jericho 4, Quinahan 4, Belga 2, Tang 0, Chan 0, Almazan 0.
Quarterscores: 29-21, 50-42, 76-69, 97-97 (reg.), 106-106 (1OT), 121-119 (2OT)

Leave a comment

Leave a Reply