May 23, 2025
“Tatlong Bibe” to hit cinemas
Latest Articles

“Tatlong Bibe” to hit cinemas

Jan 18, 2017

Isa kami sa nagwi-wish na kumita sa oras na maipalabas sa mga sinehan ang pelikulang “Tatlong Bibe” ng  Regis Films and Entertainment na idinirehe ng aming kaibigan na si Joven Tan.

Tampok sa pelikula ang magaling na aktor na si Edgar Allan Guzman kasama ang tatlong bidang sina Raikko Matteo, Marco Masa, at Lyca Gairanod.

Ang pelikula pala ay isinumite sa MMFF 2016 pero hindi ito pinalad na makapasok sa Magic 8.

Sa March 1  na ito ipapalabas kaya ngayon ay puspusan na sa pagpo-promote nito ang Regis Films. Magkakaroon naman ito ng premiere night sa February 13.

Hindi matatawaran ang mga bida sa pelikula na pawang mga child superstar at mahuhusay talagang umarte.

Sa mga nanabik kina Raikko, Matteo at Lyca, ito na ang pagkakataon para mapanood silang muli hindi sa tv kundi sa big screen o tinatawag na higanteng telon.

Pampamilya ang pelikula na siguradong kapupulutan ng magandang aral. Sa mga panahon ngayon na hindi maganda ang nangyayari sa kapaligiran ay masasabing sagot ang “Tatlong Bibe” para ipakita ang kagandahang asal at kabutihan ng tao.

“Tungkol ito sa pagmamahal at pagpapatawad. Malayong-malayo sa sumikat na kantang pambata,” sabi ni Direk Joven.

“Gusto ko kasi ’yung lalabas ka ng sinehan na magaan ang pakiramdam. So, ganito ’yung pelikulang ito, simple pero may puso,” dagdag pa niya sa isang panayam.

Samantala, bukod kina Edgar Allan Guzman, Raikko Mateo, Marco Masa at  Lyca Gairanod, kasama rin sa pelikula sina JK Labajo,  Eddie Garcia, Rita Avila, Sharlene San Pedro, Victor Neri,  Luis Alandy, Dionisia Pacquiao, Angel Aquino, at Anita Linda.

Leave a comment