May 23, 2025
Tearful reaction by actress Angelica Panganiban over second home’s shutdown
Latest Articles

Tearful reaction by actress Angelica Panganiban over second home’s shutdown

Jun 4, 2020

Hindi maitago ng Kapamilya actress ang nararamdamang kalungkutan kaugnay ng pagsasara ng ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Sa naturang network din kasi siya nahasa bilang aktres at nabigyan ng maraming break bilang artista.

Kahit ngayong dinidinig na ang usapin sa Kongreso kung papayagang mag-operate muli ang ABS-CBN, nananatiling nakabitin ang lahat sa balag ng alanganin.

Ayon kay Angelica, magmula nang tumigil sa pag-ere ang “Banana Sundae” sa Dos, hindi raw nila alam ng kanyang mga co-stars sa nasabing programa kung paano makakapag-move on sa kapalarang sinapit ng kanilang network.

Gayunpaman, nangako naman siya na itutuloy nila ang laban para maibalik sa ere ang naturang istasyon na naging tahanan na nila sa loob ng maraming taon.

“Halos labing dalawang taon tayo nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao. Sa pinaka unang pagkakataon, kanina, umiiyak tayong lahat.. Masyadong masakit na makitang durog na durog tayong lahat.

“Sa ganitong panahon, ito ang pinaka huli nating pwedeng maramdaman.. Ang mawalan tayo ng tahanan. Masakit.. Kasi, intensyon lang natin magpasaya, makatulong.

“Masakit, kasi, marami sa atin ang hindi na alam kung paano itutuloy ang buhay. Masakit kasi, magwawatakwatak na tayo. 

“Sa mga salita na ibinabato niyo sa amin para tuluyan kaming tapak tapakan, walang sinabi yun sa sakit na nararamdaman naming lahat ngayon. 

“Pare parehas naming hindi alam ngayon kung paano pa kami lalaban.. kung saan pa kami kukuha ng lakas.

“Gusto naming isipin na pansamantala lang ‘to. Magkikita kita ulit tayo. Gusto naming lumaban para sa mga kasamahan namin sa trabaho. Gusto namin ipaglaban ang pamilya namin. Gusto na namin ng katahimikan sa mga tanong namin.

“Pero kahit ganito, lalaban kami. Magtutulungan kami. Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami. 

“Palagi namin tinatanong sa simula ng show ang ‘okay ba kayo jaaaan’… Ngayon naman,, kami ang hindi okay.

“Kaya naman… Hanggang sa muli na lang muna tayo mga kabanana. Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo,” aniya.

Leave a comment