May 23, 2025
Teejay Marquez became an instant celebrity in Indonesia because of his trending video
Faces and Places Latest Articles

Teejay Marquez became an instant celebrity in Indonesia because of his trending video

Jul 24, 2015

john@fontanilla

By John Fontanilla

44843_1586396141230_1275574441_31616819_4464764_n After ma-feature ng dalawang beses sa Indonesian newspaper na “Sumatera Ekspres” ang Kapamilya teen actor na si Teejay Marquez para sa kanyang dubsmash ng “Twerk It Like Miley ” ay na feature naman ito sa iba’t ibang TV shows sa Indonesia. Huling napanood si Teejay sa Kapamilya show na ” Dream Dad ” si Teejay bilang nakababatang kapatid ni Beauty Gonzales .

“Nakakatuwa kasi hindi ko expected na sisikat ako sa Indonesia nang dahil lang sa Dubsmash ko ng “Twerk It Like Miley,’ bungad ni Teejay sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). Actually, nagulat nga ako nung may isa akong fan from Indonesia na nag-tag sa akin nung picture ng Indonesian newspaper kung saan ako na-feature,” masayang kuwento ni Teejay.

“Bale dalawang beses akong na-feature sa local Indonesian newspaper nila tapos after that na-feature na rin nila ako sa mga TV shows doon,” pagmamalaki pa nito.

Grabe nga daw ang impact na dala ng video ng ” Twerk It Like Miley ” ni Teejay na pumalo na sa 1 million plus ang views sa Facebook at 100k plus ang likes nito. “Lagpas ng 1 Million yung views sa Facebook nung “Twerk it like Miley” dubsmash ko at nakakatuwa na marami ang nag-enjoy na mapanood ito.”

“May mga nag-iinquire na sa amin para pumunta sa Indonesia para makapag guest ako sa mga tv shows nila doon. Mayroon ding nag aalok na mag-mall shows ako doon at yung iba naman ay pelikula ang alok nila sa akin. But there’s a catch, kailangan ko daw matuto ng Bahasa ( Indonesian Language ) para mas marami akong projects na magawa doon. Willing naman akong matuto ng language nila if ever. Siguro pag naging okay yung negotiations baka pumunta ako ng Indonesia baka matapos ang taon,” dagdag pa niya.

“Kaya ngayon pa lang nag-aaral na ako ng Bahasa, so far, may konting alam na rin ako like Terima Kasi at Cinta,” kuwento pa ni Teejay.

Mabentang-mabenta nga ang kaguwapuhan ni Teejay sa Indonesia ngayon kaya naman marami na daw ang tagahanga nito sa nasabing bansa. “Dumami na yung supporters ko sa Indonesia simula nung lumabas yung video. May nagtayo nga ng fans club ko doon at lagi nila akong kinakausap in English at tinatanong kung kailan naman ako pupunta sa bansa nila.”

Masaya daw si Teejay sa mga komento ng paghanga sa kanya ng fans. “Masipag silang mag-like at mag-share ng new photos and videos ko sa social media. Gusto ko ngang pumunta ng Indonesia para personal silang pasalamatan sa lahat ng suporta na natatanggap ko mula sa kanila. Katulad ng nasabi ko kanina, hopefully, I am praying na sana within the year ay makapunta nga ako doon. [Indonesia].

Leave a comment

Leave a Reply