May 22, 2025
Teejay Marquez, now a Kapamilya; stars in top-rating primetime soap ‘Dream Dad’
Latest Articles T.V.

Teejay Marquez, now a Kapamilya; stars in top-rating primetime soap ‘Dream Dad’

Feb 10, 2015

john@fontanilla

by John Fontanilla

Teejay Marquez Ang kawalan daw ng proyekto ang dahilan ng pag ober da bakod ng Gawad Kabataan Ambassador na si Teejay Marquez from GMA 7 na ngayon ay napapanood sa top-rating primetime soap ng Kapamilya network ang ‘Dream Dad’.

Ayon nga kay Teejay nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kamakailan na one year na daw siyang walang trabaho sa Kapuso Network kaya naman daw nung may nag-offer sa kanya ng trabaho sa ABS-CBN ay kaagad niyang tinanggap ang proyekto.

“Almost one year din akong naghintay if mabibigyan pa ako ng trabaho sa GMA 7,

“May nga show na sinasabi na kasama ako, pero hindi natutuloy, hindi ko naman alam kung bakit.

” ‘pag tinatanong ko , napalitan daw ako,

dream dad“Mabuti na lang ay may mga commercials ako na ginagawa noon, kaya medyo nakaka-survive .

“Kailangan ko kasi mag trabaho kasi breadwinner ako sa pamilya,

“Kaya nga nung may nag offer sa akin na mapasama ako sa ‘Dream Dad’, tinanggap ko na kasi need ko talaga mag work,

“Kaya nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil binigyan nila ako ng trabaho at isinama nila ako sa Dream Dad.

“Bale ako dito si Jake Sta. Maria Kapatid ni Alex Sta. Maria played by Beauty Gonzales.
Teejay, grateful to GMA 7

“Nagpapasalamat din ako sa GMA 7 dahil sa kanila ako nagkaroon ng kauna-unahan kong show ang ‘Mastershowman’ at’ Tweenhearts’ tapos nasundan pa ng iba pa.

“Naging maganda naman ang experience ko habang nasa GMA 7 ako.
Sharing his experience with ABS-CBN

“Happy ako that I am working with ABS-CBN stars.” Ikinuwento niyang masaya nga daw siya dahil maganda ang pakikipagtrabaho niya sa mga Kapamilya stars na very supportive sa kanya

“Nung una kinakabahan ako kasi bago nga ako sa ABS CBN,

“Bale first time ko makakatrabaho ang mga Kapamilya stars,

“Pero nung naka eksena ko na sila especially si Beauty (Gonzales), nawala na yung kaba ko, kasi mababait sila,

“Inaalalayan nila ako at binibigyan ng advice kaya medyo nawala na yung kaba ko.
On his being a Gawad Kabataan Ambassador

“Thankful ako sa Smac TV Productions kasi kinuha nila ako para maging Ambassador ng Gawad Kabataan. Kung saan ay pumupunta kami sa iba’t ibang lugar at nagbibigay tulong sa mga kabataang katulad namin na salat sa maraming bagay at nangangailangan ng tulong.

“Like yung mga hindi makapag aral na gusto talagang mag-aral.

“Tinutulungan kami ng DepEd para makahanap kami ng mga kabataan na nangangailangan talaga ng tulong.

“Ito na rin yung simpleng paraan ko para maibalik ko ang pasasalamat sa Diyos sa dami ng mga magagandang blessing na binibigay niya sa akin, ” pagtatapos ni Teejay.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply