May 23, 2025
Tessie Tomas wants to impersonate Duterte
Faces and Places Latest Articles Movies

Tessie Tomas wants to impersonate Duterte

Nov 4, 2015

arseni@liao

by Archie Liao

<a href="http://psr.ph/wp-content/uploads/2015/11/Tessie-Tomas.jpg">Tessie-TomasNapakalapit sa puso ng award-winning actress at total entertainer na si Tessie Tomas ang paglabas sa mga teatro at sa mga live performances. Sa larangang ito kasi siya nakilala at bumongga talaga ang career niya nang dahil dito. Kaya naman, ngayong nalalapit na ang eleksyon, kahit busy siya sa kanyang mga showbiz commitments, tradisyon na niya ang mag-stage ng shows para mag-impersonate ang mga controversial at prominent political figures sa kanyang mga skits.

Ayon pa kay Tessie, talagang pinaghahandaan niya ang panggagaya sa mga politicians sa kanyang mga shows to instill and stir consciousness sa mga social issues sa ating madlang pipol para mai-guide sila wisely sa kanilang pagboto.

Marami nang ginaya si Tessie kabilang na sina Imelda Marcos, Miriam Defensor Santiago at marami pang iba. Riot din ang mga characters nina Boni Buendia, Amanda Pineda, Charito Calobaquib, Sakura Bitsu-bitsu, Barbara Tengco at marami pang iba.

tessieSa latest addition ng mga pulitiko na gusto niyang gayahin, ito ay walang iba kung hindi ang kontrobersyal na mayor at crime czar ng Davao City na si Rodrigo Dueterte.

“Makulay ang buhay niya at interesting. Timely pati siya dahil siya ang pinag-uusapan sa mga isyu ng korupsiyon sa ating bayan,” aniya.

Tungkol naman sa kanyang pagkapanalo bilang best actress sa nakaraang QCinema International filmfest sa kanyang pagganap ng isang inang may anak na may Asperger’s disease, happy si Tessie dahil muli na namang kinilala ang kanyang galing sa paggawa ng indie.

Huling nanalo ng best supporting actress trophy si Tessie sa Cinemalaya movie na “Sanglaan” noong 2008.

Mapapanood si Tessie sa pelikulang “Old Skool” ni Cia Hermosa-Jorge na palabas na ngayon sa mga piling sinehan.Ginagampanan niya ang papel ng isang biyudang lolang sinikap na makapagtapos ng grade school sa kabila ng kanyang edad.tessie 2

Honored si Tessie na makasama sa isang pelikula na may adbokasya tulad ng “Old Skool” na ipinakikitang ang edad ay hindi hadlang para matupad ang ating mga pangarap.

“Masarap maka-inspire ka ng mga tao sa pamamagitan ng medium mo tulad ng pelikula. Para sa akin ito ay isang malaking bagay na. Dito sa Old Skool, ipinakikita na kung merong “will” ang isang tao, anuman ang kanyang antas o estado sa buhay, puwede siyang maging inspirasyon para sa lahat para mapagbuti ang kanilang mga buhay, tulad ng karakter ko na si Lola Fely na sinikap na magtapos ng grade school kahit senior citizen na siya,” kuwento ni Tessie.

Naka-relate din si Tessie dahil in real life ay isa na rin siyang senior citizen kaya nakaka-identify siya sa kanyang role bilang balong si Fely sa pelikula.

Ang “Old Skool” ay isa sa mga nagwagi at pinagkalooban ng grant ng SM Cinemas nang i-pitch ito sa Manila Film Financing Forum na inorganisa ng IFC o Philippine Independent Filmmakers’ Cooperative.

Nasa cast din si Tessie ng “Miss Bulalacao” ni Ara Chawdhury na kalahok sa 2015 Cinemaone Originals filmfest ngayong Nobyembre.

Leave a comment

Leave a Reply