May 24, 2025
Thankful, proud Miles fulfills dream of becoming a lead star in “The Debutantes”
Latest Articles Rodelistic

Thankful, proud Miles fulfills dream of becoming a lead star in “The Debutantes”

Sep 22, 2017

Isa sa mga mahuhusay na young actresses sa ngayon ay si Miles Ocampo.

Kung sa galing din naman sa pag-arte ay hindi pahuhuli ang Kapamilya star na ito. Nakailan na rin siyang mga teleseryeng ginawa na talagang tumatak ang kaniyang karakter sa mga manonood.

Nagpapasalamat siya dahil hindi siya nababakante at palaging may trabaho.

Thankful din siya dahil pinagkatiwalaan siya ni Mother Lily para gawan ng pelikula.

Isa siya sa mga aktres na sinugalan ng Regal Entertainment sa pelikulang The Debutantes kasama sina Sue Ramirez, Channel Morales, Michelle Vito at Jane de Leon.

received_10211721165319230

Millennial Regal Babies kung tawagin sila. Sa lima, mas malawak ngang maituturing ang karanasan sa akting ni Miles na simula bata pa ay umaarte na.

Marami na rin siyang nagawang mga pelikula sa Star Cinema na aminado naman ang dalaga na puro supporting roles ang mga ito.

Sa The Debutantes ay bida na ang dalaga at ipinagmamalaki niya ang movie na matatakot daw talaga ang makakapanood nito kaya naman inirerekomenda niya na dapat itong panoorin.

Ito ang unang lead role sa pelikula ni Miles na ipapalabas na sa October 4 sa mga sinehan.

Sa mga mahilig manood sa mga katatakutang pelikula, ito na ang sagot. Kung nagsasawa na kayo sa romcom movies, dapat na ito muna ang inyong panoorin.

**************

LIBRENG JOB ALERTS, BALITA, AT SAFETY TIPS, HATID NG ABS-CBNmobile

received_10213861058871063

Sa bagong serbisyong hatid sa mga Kapamilya, ang ABS-CBNmobile na Kapamilya One text service, makakatanggap na ang mga subscriber ng libreng text tungkol sa trabaho, pinakamainit na balita, safety alerts, tipid tips, at iba pa.

Simulan ang pag-unlad sa buhay sa “Trabaho Tips,” dahil ito ay nagbibigay ng alerts tungkol sa mga bagong job opening at recruitment fair. Maari ring makatanggap ng mga tip sa job interview at paggawa ng resume na mapapansin ng mga employer.

Manatiling alerto sa kaganapan sa bansa sa “Balita,” at sa kaligtasan at sa pag-budget naman sa “Kapamilya Tips.” Maaari ring tumanggap ng feel-good at inspirational quotes sa “Good Vibes.”

Kung may kailangang tulong, may directory ang Lingkod Kapamilya Hotlines.

Para makatanggap ng free Kapamilya One alerts, i-dial ang *128# sa inyong ABS-CBNmobile at pumili sa menu. Kailangan lang ng P1 maintaining balance para makatanggap ng alerto.

Lahat ng may ABS-CBNmobile SIM ay maaaring tumawag, mag text, at magkaroon ng internet access.

Puwede rin sumali sa Kapamilya VIP program, isang status na nagbibigay sa ABS-CBNmobile users ng front row access sa Kapamilya shows, stars, events, concerts, at iba pa.

Leave a comment