May 23, 2025
The hardest thing Danzel Fernandez does in ‘Otlum’
Latest Articles

The hardest thing Danzel Fernandez does in ‘Otlum’

Dec 26, 2018

Introducing si Danzel Fernandez, ang panganay na anak ng ex-couple na sina Mayor Dan Fernandez at dating aktres na si Sheila Ysrael, sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry na “Otlum” mula sa direksyon ni Joven Tan at produced ng Horseshoe Studios.

Gumaganap siya bilang si Caloy.

“Sa movie na yun, magbabarkada kami. College friends. Mag-best friend kami ni Ricci Rivero.

“Siyempre sa group of friends, merong tinatawag tayong parang police or parang mababait. Sa role ko kasi, ako yung parang in-between, na minsan gusto ko, maangas na maangas, pero titiklop bigla kapag napagsabihan,” sabi ni Danzel tungkol sa kanyang role sa Otlum.

“Siyrempre as group of college students, we really want to explore about new things and all. Pero ‘yun na nga, may mga pangyayari na hindi inaasahan. And things went…you know, dun na ‘yung horror side of the story,” sabi pa niya tungkol sa kanilang pelikula.

Ano yung new things na gusto nilang i-try?

“Yun na nga po, kapag tropa kayo, and may bagong sasali, hindi maiiwasan na i-test siya kung in na ba talaga siya sa amin, or if he really likes to be part of the group.”

Paano papasok yung otlum o multo sa story?

“Yung horror side of the story, mag-i-start  once na parang ‘yung sinali naming  bagong member, biglang nawala, hindi namin alam kung anong nangyari.

“Hindi namin puwedeng sabihin kung ano yung nangyari. Basta panoorin na lang nila.”

Ano yung pinakamahirap niyang eksena sa movie?

“Siguro yung sumisigaw ako. Ilang beses akong sumisigaw sa movie. Siguro yun po yung pinakamahirap.”

Paano siya napasok o napili sa movie?

“Kinontak po kasi ni Direk Joven ‘yung mom ko, and then, in-inform ako ng mom ko about it. Siyempre, ako, nagulat ako..parang okey.”

May experience na sa acting si Danzel, kaya nakaarte siya sa Otlum.

“High school po lang po kasi ako, may club po kasi kami sa school, yung Teatro Lasaliano. Yun, may mga workshop, nag-a-attend ako.”

Si Danzel ay nag-aral ng High School sa De La Salle Integrated School sa Biñan, Laguna.

So noon pa ay mahilig na siyang umarte?

“Hindi naman porket yung parents ko, they’ve been in showbiz industry for a couple of years now, hindi naman sapilitan nila akong in-involved.

“Siguro, they noticed na I’m a very animated person. I like to be in front of people, talking, public speaking and all.

“Nakikita nila na confident akong humarap sa maraming tao, hindi naman ako mahiyain.”

Ano ang payo sa kanya ng mga magulang bago siya pumasok sa showbiz?

“Well, ang laging sinasabi lang sa akin ng parents ko, is, you know..be humble. Despite of all you know people are saying “O anak ka ni ganito, anak ka ni ganyan.

“Sa akin naman, hindi ko iniisip na anak ako ni ganito, na I’m untouchable.

“Siyempre naman, I want to respect people, and hindi ko naman inaabuso kung anong meron ako.”

Showing na sa mga sinehan ang Otlum.

Leave a comment