
The real reason why Solenn Heusaff denies being married
by PSR News Bureau
Naiintindihan na ngayon ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) kung bakit pilit na itinatanggi ni Solenn Heusaff na ikinasal na siya noong nakaraang taon sa long-time live-in partner nito na si Nico Bolzico. Pero kahit anong denial pa ang gawin niya, wala namang lihim ang hindi naibubunyag. Sa Facebook profile mismo ni Nico Bolzico, nakalagay doon na “Married to Solenn Marie Heusaff since December 29, 2015.”
Noong umpisa ay hindi naming maintindihan kung bakit hindi pa ito maamin-amin ng sexy actress. Halos pinagmukha pa nga nitong sinungaling ang kaibigan niyang si Isabelle Daza dahil isa ito sa nag-post ng pagbati matapos silang ikasal noon sa Argentina.
Pero nito nga ay may alingasngas mula sa aming reliable source na ang tunay na dahilan kung bakit hindi pa rin umaamin si Solenn ng kanyang pagpapakasal ay dahil sa isang kontrata nito kung saan naka-stipulate na bawal ito mag-asawa.
Bakit nga naman mag-aaksaya pa ng panahon pumunta ang mga close friends niyang sina Georgina Wilson, Anne Curtis-Smith at Isabelle Daza sa Argentina kung hindi naman kasalan ang okasyon? Pati na nga mismo ang designer ng kanyang wedding gown ay nagsalita na rin pero binawi nito ang sinabi dahil na rin siguro para hindi masira ang pagkakaibigan nila ni Solenn.
Nagpakasal nga si Solenn sa Argentina pero dahil hindi pa naman nare-register sa bansa ang kanyang kasal kaya’t technically, pwede pa nga naman niyang i-claim na single pa rin naman siya.
Kapag kasi may mga endorsements ka kung saan naka-stipulate na dapat single ka at di pa tapos ang nasabing kontrata, lagot ka. Kaya naman, feeling naming yun ang dahilan ni Solenn kaya’t hindi niya maamin-amin ang totoo. Bukod dito, may ilang celebrities at personalidad rin na nababawasan ang marketability kapag kasal na.
Kaya’t intindihin na lang natin si Solenn sa gusto niyang mangyari. Pero dapat din siguro niyang tandaan na mawawalan din siya ng credibility sa pagsisinungaling niya.