
“There’s no reason why I won’t be happy, I’m actually inspired.” – Jennylyn Mercado
Swimming at diving. Basta may libreng oras siya, ito ang paboritong activity ni Jennylyn Mercado hindi lang tuwing summer kundi all year round.
Magaling na swimmer at diver si Jennylyn Mercado. Ito ay dahil na rin sa kanyang pagiging aktibo sa triathlon na favorite sport niya.
“Matagal na akong nagda-dive. Parang pampa-relax ko lang,” aniya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa Sunday All Stars.
“Pero sa totoo lang, wala naman siyang nagagawang maganda sa katawan natin,” nangiti sunod na nasabi niya.
“Kasi kapag nagda-dive ka, hindi ka naman halos gumagalaw sa ilalim. But… iyon talaga ang pang-reset ko lang.”
Saan ba siya madalas na nagda-dive kapag may panahon siya para rito?
“Pinakamalapit na ‘yung sa Batangas. Kasi puwede ka ng balikan. Yung tipong pupunta ka sa umaga, tapos babalik or uuwi ka na sa gabi.”
Kahit busy siya sa taping ng tinatampukan niyang primetime series sa GMA na Second Chances at iba pang showbiz commitments, naisisingit pa rin daw talaga ni Jennylyn ang diving.
“Sa isang buwan, isa o dalawang beses akong nakakapag-diving. And… nakaka-relax talaga siya. Parang you’re in a different world. Kasi nga underwater. Tapos ang dami mong nakikita. ‘Yung malayo sa totoong buhay o sa city, di ba?”
Blooming at sumi-sexy pang lalo si Jennylyn ngayon. Pero nananatiling wala pa rin siyang lovelife.
Hindi naman daw nakakaramdam ng kakulangan si Jennylyn kung wala man siyang boyfriend sa ngayon. Sa trabaho daw nakatuon ang kanyang pansin sa ngayon.
“Happy naman ako ngayon. There’s no reason para hindi ako maging happy and inspired.”
Ang kanyang anak na si Alex Jazz at ang pamilya raw niya ang nagsisilbing inspirasyon ni Jennylyn sa ngayon.
May balitang kinu-consider daw siya para maging co-host ni Willie Revillame sa upcoming game show nito sa GMA na Wowowin. Pero wala siyang masabing komento hinggil dito.
Kung sabagay, ang management ng GMA o ang kampo ni Willie na siyang producer ng show ang dapat nga namang maunang magbigay ng kumpirmasyon o anumang pahayag hinggil dito.