May 23, 2025
There’s nothing wrong with being poor. But I did everything I can in order to survive.” – Hero Angeles
Latest Articles

There’s nothing wrong with being poor. But I did everything I can in order to survive.” – Hero Angeles

Apr 10, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

f993299c8162f7b14f39b0919cf68f131227785818_full Nagbabalik-showbiz si Hero Angeles. Napapanood siya ngayon sa pag-guest sa mga shows ng ABS-CBN na ang pinakahuli ay sa game show na Deal Or No Deal kung saan isa siya sa mga naging contestants.

Bumubuwelo pa lang si Hero sa muli niyang pag-aartista, naiintriga na agad siya. Sinasabing kaya raw siya nagbabalik-showbiz ay dahil naghihirap na.

Aware daw ang aktor hinggil dito. Pero hindi raw siya apektado. “Sa akin naman, kung naghihirap man ako, wala naman masama. Kasi galing din naman ako sa hirap,” aniya. “Walang masama sa pagiging mahirap. Pero hindi naman talaga ako naghirap kasi gumawa rin naman ako ng paraan para mag-survive din.”

Sa pagkawala niya sa showbiz, nagtrabaho raw siya sa Italy. And right now, he is into painting. “Kaka-first solo exhibit ko lang this February lang. Nagpi-paint ako using sauce. Yung sauce na ginagamit ko, depende sa kung ano ang kinakain ko. And usually kapag nagpi-paint ako, for fun lang din. May times din that I use chocolate sauce. I also use the usual which is pigment ink. I’m looking forward to having another exhibit. Hopefully soon.”

Marami ang nakakapuna at nagsasabi na ang ganda ng vibe niya ngayon? Is he into a relationship now?
“No. Masaya lang talaga ako sa ngayon. Siguro kasi dati, sobrang stressed lang.”

sandara131Sa mga hindi na nakakatanda pa, si Hero ang winner ng Star Circle Quest 3. Kasunod nito ay ang pagbibida niya sa mga pelikulang tinampukan nila ng dating ka-loveteam na si Sandara Park na ngayon ay namamayagpag na sa Korea bilang isa sa miyembro ng sikat na Kpop group na 2NE1.

Yung iba rin sa mga kasabayin niyang young stars noon, ang dami nang nangyari sa kani-kanilang career. May panghihinayang ba siyang nararamdaman? Bago kasi siya nag-quit ng showbiz ay naging issue yung mismanagement daw sa career niya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Henry Angeles.

Marami ang nanghinayang na he could have been a bigger star kung ibang manager at hindi ang brother niya ang namahala sa kanyang career.

“I don’t know. Hindi ko masabi. Kasi hindi naman ako nagsisi sa mga nangyari. Sabi ko nga lahat ng bagay may dahilan. At saka I believe yung kapatid ko naman, he did his best bilang manager ko during that time. Same lang din naman ng ibang managers. Sana he was given the chance kasi managing his brother as a talent was something new to him. Sa ngayon, nananahimik na siya. He’s working in Dubai. And kumbaga, it’s not just about my brother. It’s also about me. Ibi kong sabihin, hindi naman siya nakikita na ng tao. Pero siya pa rin ang laging tinatanong sa akin.

“Sabi ko, siguro ano na lang, let him work nang tahimik, di ba?” panghuling nasabi ni Hero.

Leave a comment

Leave a Reply