May 25, 2025
They are friends: Lui Villaruz watches ex-girlfriend’s shows ‘Glorious,’ ‘Probinsyano’
Latest Articles

They are friends: Lui Villaruz watches ex-girlfriend’s shows ‘Glorious,’ ‘Probinsyano’

Jan 18, 2019

Naging panauhin sa Wow It’s Showbiz ang very talented actor na si Lui Villaruz.

Kaya  naman pala medyo madalang na natin siyang napapanood sa television at pelikula ay dahil may mahalagang pinagkakaabalahan naman pala siya.

Nakilala si Lui sa bakuran ng ABS CBN 2.

Ang nabuksan pa rin sa aming pag-uusap ay kung sinu- sino ang mga naging kanyang karelasyon.

Na open ang pangalang China Cojuangco.

“After nila Onemig Bondoc, naging kami.

“Kami ni Angel Aquino, almost four years. Maganda naman ang paghihiwalay namin. Magkaibigan pa rin kami ni Angel,” say niya.

Tinanong pa rin namin kay Lui kung na watch niya ang “Glorious” ng kanyang dating dyowa?

Mapangahas kasi ang naging papel doon ni Angel at sa isang young actor ang kanyang kapareha.

“Yung nakikita ko ‘yung trailer. Magaling ‘yung batang aktor doon. At kaibigan ko ang tatay niya si Boom.”

Sa ngayon ay unti- unti na ngang nabubuo ang matagal na niyang pangarap ang mag direk. 

At may kompanya na rin siya. Almost 100 commercials na rin ang kanyang nagawa. Documenraries at iba pa. Malamang ngayon taon ay papasukin na rin niya ang pelikula. 

Dalawang projects ang nakaamba. At sabi nga ni Lui ay si Maja Salvador at Carlo Aquino ang kanyang gustong makatrabaho. 

Kakaibang istorya raw ito na bagay sa dalawa. Mga mahuhusay pang mga artista.

Sana matupad ang pangarap na ito ni Lui.

Idinagdag pa namin kay Lui kung pinapanood niya si Angel sa Ang Probibsyano.

“Pag may oras at pag nasa bahay ako.”

Yun na!

Leave a comment