May 24, 2025
This gay film has no steamy, kissing scenes?
Latest Articles

This gay film has no steamy, kissing scenes?

May 20, 2021

Isang challenging na character na naman ang ginampanan ng veteran actor na si Alan Paule. 

Ito’y via the indie film titled Nang Dumating Si Joey under Blank Pages Productions.

Ayon sa direktor, ang pelikula ay LGBTQ ang tema at istorya ito ng acceptance, forgiveness, self discovery, at love.

Executive Producer ang US based na si Bong Diacosta, tampok dito si Alan at introducing ang newcomer na si Francis Grey na gaganap bilang Joey.

Siya ay isa sa Mr. Pogi finalists ng Eat Bulaga noong 2019.

Kasama rin sa movie ang baguhang si Rash Jusen, Ernie Garcia, at Isadora.

Sa ginanap na zoom presscon sa naturang proyekto recently, inusisa si Alan kung ano ang role niya sa pelikula.

Wika niya, “Sa movie, ako si Zandro… sabihin ko na ba? Or Zandra, na isang ageing gay na parang nadesmaya siya sa mundo.

“So, umakyat siya sa bundok, na kumbaga, mas ginusto niyang magsarili sa gitna ng mga nangyayari sa kapaligiran niya. Nagdesisyon siyang umakyat sa bundok at doon niya nakita o doon dumating sa buhay niya si Joey.”

Nabanggit din niyang ibang klaseng gay role ang ginampanan niya rito.

Kuwento ni Alan, “Nang binasa ko ang script, natanong ko, ‘Bakit walang man to man, bakit walang kissing scene?’

“So, iba ito eh, iba, mas may puso kasi iyong pelikula, eh. Mas may puso, kaysa roon sa mga naghahanap ng ano…, mas mapuso siya.”

Dagdag pa ni Alan, “Hindi natin nakikita roon sa karamihang BL movies na nagawa ko na, ito iba, ibang level siya.”

Pero game siya sa man to man kissing scene rito kung ni-require sa eksena?

“Oo naman, ako pa! Hinihintay ko nga eh, hahahaha!” Nakatawang saad pa ni Alan.

Nabanggit din niya na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, nakaranas din si Alan na maintriga at pagdudahan ang kanyang gender.

Nakatawang esplika ng mahusay na aktor, “Hahahaha! Yes, marami! Lalong-lalo na ako… I think halos lahat ay dumaan diyan dahil noong bata pa lang ako, bago pa lang akong artista, yun na ang issue na nakita raw kami ni ganito na magka-holding hands sa bar.

“So kumbaga, kasama iyon sa sinumpaan naming trabaho at sa pagmamahal namin sa industriya. So, hindi na lang namin iniintindi. Kumbaga, hindi naman totoo, hindi ba?”

Noong panahong iyon, never ba siyang nagkaroon ng doubt sa sarili niya?

Tugon ni Alan, “Hindi eh, sa part ko, hindi. Iyan si Fernan, alam ni Fernan yung mga escapades namin, noong araw pa. Hahahaha!

“Hindi eh, mas gusto ko sa bahay lang talaga, sa family, ganyan. Kumbaga, trabaho lang talaga, trabaho lang.”

May family na ba siya ngayon?

“Yeah, may family ako, wife… mayroon akong isang anak, lalaki, pero ayaw niyang mag-showbiz,” lahad pa ni Alan.

Nang Dumating Si Joey coming soon, directed by Arlyn dela Cruz.

Leave a comment