May 22, 2025
Happy 52nd birthday, Sen. Jinggoy Estrada
This is it!

Happy 52nd birthday, Sen. Jinggoy Estrada

Feb 19, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

jinggoy-estrada

Kahit nakakakulong ay naging masaya pa rin ang pagdiriwang ni Sen. Jinggoy Estrada ng kanyang ika-52nd birthday nung Martes sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame. Kumpleto kasing dumating ang buo niyang pamilya. Pinangunahan ito ni President-Mayro Erap at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz gaya ni Mr. Eddie Garcia.

Sa pag-uusap nina Sen. Jinggoy at Eddie, sinabi ng huli na ang pinakamahigpit na kalaban ng una sa kulungan ay yung init at inip.

Nagkaroon ng konting kantahan nung gabing yun. Kinanta ni Sen. Jinggoy ang kantang na composed by Tirso Cruz III nang pumanaw si Rudy Fernandez.

Ang bestfriend ni Sen. Jinggoy na si Sen. Bong Revilla ay inawit naman ‘yung song na kinanta nito noon sa senado.

Maging si President-Mayor Erap ay napakanta ng favorite song nito na ‘Kahit Na Magtiis’. Nu’ng una ay ang misis ni Jinggoy na si Precy Ejercito ang ka-duet nito, tapos ay ipinasa ni Precy ang mic sa anak nitong Konsehala ng San Juan na si Janella.

Kumanta rin ang dalawang anak na lalaki ni Sen. Jinggoy na sina Jolo at Julian.

____________________________________________________________________________________________________________________

opmlive

Ngayong gabi na at 8:00pm gaganapin ang concert na MuSIKATin: Musikang Sikat Sa Atin sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan.

Ang nasabing concert ay pangungunahan ni Ogie Alcasid, ang Presidente ng OPM (Original Pilipino Music) kasama sina Hajji Alejandro, Rey Valera, Michael V, Angeline Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloc-9, Jett Pangan, Verni Varga at ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Sabi ni Ogie, “It’s an honor and a privilege to be given the chance to stage MuSIKATin at the largest dome in the world. For one night, we pray tribute to the music of the Filipino nation.”

Ang musical director ng concert ay si Ryan Cayabyab na ang Overall concert director si Paolo Valenciano.

Ang Philippine Arena ay may seating capacity na 55,000. Ang tanong, mapuno kaya nila ang venue? ‘Yan ay ating malalaman pagkatapos ng concert. Pero wish namin na sana ay mapuno ito o kung hindi man, sana ay marami ang manood dahil ang kikitain

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply