May 24, 2025
“I thought I no longer love JM. But when I saw him again, I knew right away I’m still very much in love with him.” – Jessy Mendiola
Latest Articles

“I thought I no longer love JM. But when I saw him again, I knew right away I’m still very much in love with him.” – Jessy Mendiola

Apr 27, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

14jessy Sa episode kagabi, April 26, sa show ni Vice Ganda na ‘Gandang Gabi Vice’ ay naging panauhin rito sina JM de Guzman at Jessy Mendiola. Dito ay inamin ng dalawa na nagkabalikan na sila.

Nagsimula raw manumbalik ang feelings nila para sa isa’t isa nang magkita silang muli noong August 2014 habang nagdya-jogging kapwa sila sa U.P. Diliman.

Kinabahan daw si JM nang makita niya ang kotse ni Jessy sa campus kaya nagtago siya.

“Hindi ko kasi alam sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko,”sabi ni JM.
Ayon naman kay Jessy, agad daw siyang napatakbo sa kotse nang bumati sa kanya si JM.

31-jm-de-guzman“Kasi, nagulat ako. Totoo pala yun, Vice, kapag nakita mo ulit yung taong nasa puso mo, akala mo sa movie lang mangyayari, pero parang nag-i-slow motion ang lahat ng nasa paligid. Tapos sa kanya lang naka-focus lahat ng attention mo, lahat blurry, lahat slow mo. Tapos yun na, noong kinausap niya ako, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Kaya ako napatakbo sa kotse ko.”

Sa tanong ni Vice kay Jessy kung mahal pa ba niya si JM noon o minahal na lang ulit?, ang sagot ni Jessy ay,

“Akala ko hindi na. Pero noong nakita ko siya ulit, parang bumalik lahat.”

Sa sinabing yun ni Jessy, sumagot si JM ng: “E di wow!”

Noong panahong iyon ay hindi raw nila alam ang contact number ng isa’t isa dahil si Jessy ay nagpalit ng number

habang si JM naman ay tinanggal ang lahat ng contacts sa kanyang cell noong panahong may pinagdadaanan siya.

Hindi raw agad ibinigay ni Jessy ang contact number niya kay JM.

“Siyempre, tinatantiya ko pa kung talagang sure ako sa feelings ko.”

Ayon pa kina Jessy at JM, umabot daw ng halos anim na buwan bago naging sila ulit.

Leave a comment

Leave a Reply