May 23, 2025
“Three months before my graduation, I dropped out of school to join Bb. Pilipinas.”- Anne Lorraine Colis (Bb. Pilipinas-Tourism)
Latest Articles

“Three months before my graduation, I dropped out of school to join Bb. Pilipinas.”- Anne Lorraine Colis (Bb. Pilipinas-Tourism)

Mar 30, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

ann 1 Balitang hindi magkakaroon ng Miss Tourism Queen International for this year. Sa beauty pageant na ito sana nakatakdang mag-compete ang Bb. Pilipinas-Tourism 2015 titlist na si Anne Lorraine Colis.

Marami ang nanghihinayang kung sakaling mangyari na hindi nga makakalaban sa international competition si Anne Lorraine. Sa ganda at talino niya, kumpiyansa ang iba na puwede nga raw siyang mag-stand out bilang kinatawan ng Pilipinas sa isang international beauty pageant.

Hindi pa makapag-comment si Anne Lorraine hinggil dito. Lalo at wala pa rin daw ngang pormal na pinag-usapan sila ng Chairperson ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na si Stella Marquez Araneta.

“Pero lagi ko siyang sinasabihan na…. SMA (bansag kay Stella Marquez Araneta), gusto ko talaga ng international pageant,” sabi ng beauty queen na tubong-Pampanga. And sabi naman po ni SMA sa akin na… in-assure niya sa akin na she’ll work on it.”

During the question and answer sa Bb. Pilipinas coronation night, ang naging tanong kay Lorraine ay kung ano ang natutunan niya sa Bb. Pilipinas. Binigyang emphasis niya sa kanyang sagot ang kahalagahan ng advocacy niya patungkol sa education na kanyang na-realized nga sa pagsali sa nabanggit na beauty pageant.

“Kasi may mga charity events po kami. And then one of these po is ‘yong sa may ari po ng Empire East which is one of our sponsors, na tumutulong sila sa mga scholars. Ganon din po kasi ang ginagawa ko. Actually may scholars po ako… tatlo. Kasi ‘yung Bb. Pilipinas is a flatform to speak about your advocacies in life. At ‘yung sa akin nga po ay education.”

Graduate na ng management sa University Of Sto. Tomas si Anne Lorraine. Pero nag-aral siya ulit ng kursong Accountancy dahil gusto niyang maging CPA (Certified Public Accountant).

“Para din po iyon sa mga magulang ko. Kasi hindi po sila nakapag-aral, e. So kumbaga, iyon na lang ang gift ko sa kanila. ‘Yung pagpapahalaga ko sa edukasyon. Mahilig po talaga akong mag-aral. At saka kailangan po talaga.”

First time pa lang daw niyang sumali sa isang beauty contest. Noong nagpaalam nga raw siya sa kanyang mga magulang na she will be joining the Bb. Pilipinas pageant ay ayaw daw ng mga ito.

“Kasi po I’m taking my second degree before I joined Bb. Pilipinas. Three months na lang po, graduate na ako. And I took the big risk. Nag-drop po ako para makasali sa Bb. Pilipinas.”

“Kaya nga po do’n kami nagkaroon ng problema ng magulang ko. Sinabi nila sa akin… next year na lang ako sumali. Pero there’s something talaga na parang may nagsasabi sa akin talaga na… kailangan mong sumali this year.”

At nanalo naman nga siya bilang Bb. Pilipinas-Tourism. Bagay na ipinagpapasalamat daw ni Anne Lorraine sa lahat ng mga taong sumuporta at naniwala sa kanya.

“Alam ko po na baguhan ako pero maraming naniwala sa kakayahan ko. Kaya maraming salamat sa lahat lalo na sa pamilya ko at saka sa mga kababayan ko rin sa Pampanga,” panghuling nasabi ni Anne Lorraine.

Leave a comment

Leave a Reply