May 23, 2025
Three Newcomers Make Their Mark in “Bubog”
Latest Articles

Three Newcomers Make Their Mark in “Bubog”

May 30, 2017

Tatlong newcomers ang ipinakikilala sa kontrobersyal na pelikulang “Bubog” ni Direk Arlyn dela Cruz.

Sila ay sina Jemina Sy, Raffy Reyes at Tere Gonzales.

17458052_1263340340414874_4316889277388918951_n
Jemina Sy, Bubog

Si Jemina ay isang pinagpipitaganang abogado sa tunay na buhay.

First love talaga niya ang acting pero abogasya ang kinuha niya dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Ngayong establisado na siya sa kanyang propesyon, gusto niyang balikan ang kanyang true love: ang acting.

“Pangarap ko talagang maging artista at maging isang actress. To be able to do different roles. Kahit anong genre siya, be it love story, drama, rom-com, action,” aniya.

Willing din daw siyang pagsabayin ang kanyang pagiging aktres at abogada.

“Wala naman siyang conflict. It’s just time management. Kapag passion mo ang isang bagay, gagawa at gagawa ka ng paraan para ma-realize mo ito,” sey niya.

Hindi naman siya worried na baka makaapekto sa imahe niya sa kanyang propesyon ang kanyang role bilang high-class drug courier sa pelikula.

“As a lawyer, hindi naman talaga ako gumagamit ng droga o nagpu-push,” pakli niya.

Bilang isang abogada, duty-bound daw siyang ipagtanggol kahit ang isang drug lord.

“As a lawyer kasi may sinusunod kaming canon. You can decline a client pag alam mong guilty siya sa isang civil case, pero sa criminal case, you are bound to protect the rights of the accused kahit pa guilty siya,” esplika niya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang makasama si Coco Martin sa isang proyekto whom she finds yummy.

Si Raffy Reyes naman ay isang model turned actor. Pamilyar ang kanyang mukha dahil nakalabas na ang good-looking newcomer sa mga television commercial.

Raffy Reyes, Bubog
Raffy Reyes, Bubog

Papel ni Arman Sanchez, isang journalist ang role niya sa “Bubog.”

Ayon sa kanya, hindi subok o trial lang ang kanyang pag-aartista.

“It’s really my dream kasi prior to acting on film, lumalabas na ako sa mga play sa school namin,” paliwanag niya.

Isa sa mga challenge ng kanyang role ay kung paano maghahatid ng balita sa paraang magiging natural ito at hindi mahahalatang binabasa.

“Mahirap siya kaya nag-practice ako ng mga tongue twisters para mahasa ang dila ko. Ang naging peg ay iyong napanood ko na isang American reporter sa TV,” kuwento niya.

Isang Atenean si Raffy at graduate ng business management. May boses at kumakanta rin si Raffy.

Isa sa mga hinahangaan niyang actor si Julio Diaz na incidentally ay kasama niya sa pelikula.

Si Tere Gonzales naman ay isang radio anchor sa Radio Inquirer. Nahasa siya sa entablado.

Tere Gonzales, Bubog
Tere Gonzales, Bubog

Napansin ang kanyang galing sa “Pusit” kung saan binigyang buhay niya ang role ng isang promiscuous girl na nagkaroon ng AIDS.

Sa “Bubog” naman ay isang babaeng sangkot sa illegal na droga ang kanyang ginagampanan.

Nakaka-relate siya sa pelikula dahil napagdaanan niya somehow ang masamang epekto ng droga sa isang tao.

“I had a boyfriend who’s into drugs. Ninakaw niya ang lahat-lahat sa akin para may maipagtustos siya sa kanyang bisyo, pati na ang pera ko, so napagdaanan ko ang hirap ng pakikipagrelasyon sa isang taong nalulong sa droga,” ani Tere.

Gusto ni Tere na makilala bilang isang magaling at award-winning actress.

Ang “Bubog” (Crystals) ay sumasalamin sa matinding problema ng bansa tungkol sa laban nito sa droga.

Nagkaroon na ito ng special screenings sa Davao, Cagayan de Oro at iba pang siyudad sa Pilipinas kung saan ito tinangkilik.

Magkakaroon din ito ng screenings sa Cebu, General Santos City at later sa Manila.

Tampok sa “Bubog” ang all-star cast na kinabibilangan nina Julio Diaz, Elizabeth Oropesa, Jackie Lou Blanco, Juan Rodrigo, Allan Paule, Jak Roberto, Kiko Matos, Karl Medina, Janice Jurado, Kristofer King, Menggie Cobarrubias, Archie Adamos at Chanel Latorre.

Introducing din ang promising newcomers na sina Jemina Sy, Raffy Reyes, Belle Dominguez at Tere Gonzales.

 

Leave a comment