May 23, 2025
“There are times when I’d like to dare my Mom to find a guy for me because she hated all the guys I went out with.” —Ruffa Guttierez
Latest Articles

“There are times when I’d like to dare my Mom to find a guy for me because she hated all the guys I went out with.” —Ruffa Guttierez

Mar 18, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

ruffa-gutierrez-p-slideshowAyon kay Ruffa Guttierez sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa 9th Anniversary ng Cosmo Skin kung saan ay isa siya sa endorsers nito, ay nag-away at kababati lang daw nila ng inang si Annabelle Rama. Ang dahilan daw ng nangyaring awayan nila ay pumayag siyang maging cover at ang boyfriend niyang si Jordan Mouyal sa Star Studio magazine na hindi raw alam ng kanyang ina.

“Two weeks and a half na kaming hindi nag-uusap ni Mommy, nagbati lang kami sa debut ni Julia Barretto, kasi wala kaming choice, magkakatabi kami, eh,” simulang kwento ni Ruffa.

Kaya naman daw hindi na siya nagpaalam sa kanyang ina para sa nasabing cover shoot dahil alam naman daw niya na hindi ito papayag.

“So, bilang manager, alam kong nagalit siya, hindi niya talaga alam. Nalaman na lang niya, nasa newsstands na,” natatawang kwento pa ni Ruffa.

Kaya siya na raw mismo ang lumapit sa ina para makipag-ayos noong debut ni Julia.

“When I saw nga the parents of Marjorie doon sa debut ni Julia, na-touch ako. Sabi ko, “wow, bati-bati na sila”, sabi ko, “batiin ko na nga mommy ko, My God, kita mo nga sila, bati na.

“Na-inspire ako, so nu’ng tinabihan ko na siya, kasi hindi kami nag-uusap, eh, like 3 weeks na at saka sa lahat talaga, sinasabi niya, hindi kami bati.

“Ma, kailangan talaga ipagkalat mo na hindi tayo nag-uusap?”

Tinabihan daw niya ang ina at tsinika na niya.

“Tumabi lang ako sa kanya at tsika-tsika na kami, tsismisan na kami tungkol sa mga flowers na ang ganda, mga ganu’n, kung sino mga nandu’n, parang walang nangyari.

“So ngayon, friends na ulit kami. Nagtatawagan na ulit kami five times a day,” natatawang kwento ulit ni Ruffa.

Ayon pa kay Ruffa, pinilit lang daw niya si Jordan para pumayag na mag-cover sa Star Studio at 10 hours daw niyang kinumbinsi para lang ngumiti sa pictorial.

10339560_10153048145740498_7280629155932545428_n

 

May dahilan daw kung bakit niya pinilit si Jordan na magkasama sila sa cover at malalaman daw ito sa June. Sa ngayon daw ay ayaw niya pa talagang sabihin ang dahilan.

Wedding announcement na ba ito o engagement announcement?

“Hindi naman. Basta, masu-surprise kayo. June is my birthday month di ba?” say niya.

So, okay na ba ngayon sa mommy niya si Jordan?

“Si Mommy has her seasons, eh. There are days na pag good mood siya, type niya. There are days naman na masungit siya, hindi niya type.

“Pero alam ko, feeling ko, friends na sila, eh kasi after niyang inaway-away at pinahiya nun’g birthday niya, nu’ng Pasko, binigyan niyang Givenchy na tie. O di ba? So, kung hate niya, ba’t niya bibigyan? Unless gusto niyang sakalin siya with the tie, di ba?

“And then, after that, galit na naman siya, so hindi ko alam.”

Pero ang maganda naman daw kay Jordan, hindi naman daw nito pinapatulan ang mga moods ng kanyang ina.

“Even if my Mom ignores him, “hi” lang siya ng “hi”, si Mommy naman, parang nakatingin lagi sa langit.

“Alam mo, ang maganda kasi sa mga taong may paninindigan, kahit na anon’g gawin ng kahit sino, basta ipaglaban ka, ‘yun ang pinaka-importante.

“Para sa kanya (Jordan), as long as he respects my mom, as long as he’s nice to her. sabi kasi ni Mommy, one day, iiwanan din ako no’n. Paano niya alam, di naman siya manghuhula?” sabi pa ng aktres.

Parang minsan gusto na nga raw niyang i-dare ang ina dahil lahat na lang daw ng lalaki na kanyang naka-date ay ayaw nito para sa kanya.

“Parang lahat na lang, simula nun’g 13 ako, ayaw niya. Ano ba talaga ang gusto niya for me? Pwedeng siya naman ang mag-set-up sa akin? Tingnan natin kung ‘yung type niya, matataypan ko,” pahayag pa ni Ruffa.

Nakikita na ba niya na ang relasyon nila ni Jordan ay mauwi sa kasalan?

Ruffa-Gutierrez-and-Jordan-Mouyal

“Hindi ko pa iniisip ‘yun. Para sa akin, what I’m really focused on now is you know, providing for my kids in the future, siyempre hindi na rin tayo bumabata and I have 2 kids and a single working mom, so importante talaga na i-secure ko ‘yung fufure nila,”

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply